'RUSSEL GUEVARRA' "Russel? Russel, ikaw nga!" Kahit na nakasuot pa ang mask ko ay nakilala niya ako. Hindi ko alam kung paano pero wala na akong pakialam pa roon. Dali-dali kong kinuha ang cap at phone ko na nabitawan ko dahil sa pagbangga niya sa akin. Pagkasuot ng cap ay tumayo na ako at naglakad palayo nang hindi siya tinitignan o nagsalita man lang. "Russel! Russel, sandali lang!" Tawag niya sa akin. Alam kong nakasunod siya kaya kung todo naman ako sa pagmamadali. Sigaw pa rin siya ng sigaw at patuloy sa paghabol sa akin hanggang sa maabutan niya ako. Hinawakan niya ako sa kanang braso saka ako hinarang. "Sandali nga lang. Lakad ka nang lakad, pinapahabol mo ako. Anong nangyari sa'yo?" tanong niya na medyo hingal pa kakahabol sa akin. Sa tanong niya, hindi ko na kinayang pigil

