'RUSSEL GUEVARRA' Lalo lang naguluhan sila Nanay Iska at Ate Beki sa aking sinabi. Si Itoy, nakatingin nga pero halata namang hindi niya iniintindi ang pinag-uusapan namin. Abala lang siya sa pagkain. "Bakla, naguguluhan kami," sabi na ni Ate Beki. "Ano ba 'yong bagay na kailangan mong gawin para sa mga taong nakahuli sa iyo? Gusto mo ba 'yong ipapagawa nila o napipilitan ka lang?" Tinitigan ko ng masinsinan si Ate. Kahit na natatawa sa itsura niya na may kalat-kalat pa ring sauce ng spaghetti sa gilid ng labi niya ay hindi ko na muna pinansin. "Ate Beki. Nanay Iska, sekreto kasi ang bagay na iyon." Baling ko kay Nanay Iska. "Mahigpit pong ipinagbawal sa akin ng mga taong nakipagkasundo sa akin na ipagsabi ang kondisyon pero kailangan kong gawin ito dahil napakalaki ng utang na loob a

