'RUSSEL GUEVARRA' "You already have my number. Call me when you're done talking with them, okay? Iyong mga paalala ko rin sa'yo, wag mong kakalimutan. Susundin kita before lunch. May importante lang akong pupuntahan muna." Mga bilin ni Kuya Theo nang makarating kami sa harapan ng hospital kung saan ko dinala si Nanay Iska. Medyo malayo ng konti kung saan nagpu-pwesto si Ate Beki. "Yes, memorize ko ng lahat 'yon, Kuya," sabi ko naman habang nakatitig sa labas ng sasakyan. Si Kuya Theo lang ang naghatid sa akin dito, 'yong dalawang kapatid niya ay may dala namang mga sarili nilang sasakyan. May kanya-kanya rin silang pupuntahan bago kami magkikita-kita mamaya before lunch tulad ng napag-usapan. "Okay. Mag-ingat ka," sabi ni Kuya Theo kaya napalingon ako sa kaniya. Bigla naman akong napa

