'RUSSEL GUEVARRA' Sa mga araw na nagdaan ay muling nagpatuloy ang ikot ng buhay ko sa Manila. Sa umaga ay maaga akong gigising para magbantay sa stall ng siomai at fishball ni Sir Troy, pagdating naman ng hapon hanggang hatinggabi ay nasa Restobar ako. Nitong nakaraang araw lang ay nagsimula na rin ako sa mini mart na inaplayan ko rin bilang helper sa stock room, every weekend naman 'yon at wala akong pasok sa Restobar ng ganu'ng mga araw kaya kesa tumambay after magbantay ng stall ay ipapasok ko na lang para makadagdag sa ipon. "Naku! Ewan ko lang kung hindi bumagsak iyang katawan mo sa pagsasabay-sabay mo ng trabaho, Russel. Aba! Dinaig mo pa si Annie Batumbakal, ang babaeng walang pahinga!" Sermon ni Ate Beki sa akin habang nakatambay ako sa pwesto nila. Katatapos ko lang magsara ng s

