'RUSSEL GUEVARRA' "Iyong mga Pinggan! Kailangan na rito!" sigaw na narinig ko kaya todo madali naman ako sa paghuhugas ng mga pinggan. "Wala ng mga baso. Pakibilisan!" sigaw na naman na narinig ko. 'Baso raw. Baso.' Kinuha ko naman ang isang tray mga basong lilinisan at ito naman ang sinabon, halos two at a time na nga ang ginagawa ko para mapabilis hanggang sa makarinig na naman ako ng sigaw. "Pakibilisan ang mga pinggan!" Binitawan ko na naman ang mga baso at lumipat sa mga pinggan. "Mga kutsara at tinidor!" "Wala ng baso? Kailangan pa, maraming na-order ng drinks." "Shuta! Nalusaw na make-up ko! Pinggan ulit!" Halo-halong sigaw at pagmamadali na maririnig kada minuto, ganyan ang senaryo lagi rito sa kusina ng Restobar na pinagtatrabahuhan ko. Sa kabila ng maingay at masayan

