'RUSSEL GUEVARRA' Hindi pa maliwanag sa labas, siguro ay nasa six in the morning pa lang pero gising na ako para sa bago na namang umaga ng pakikibaka. Hindi lang ako ang maagang nagising kundi pati ang dalawang kasama ko rito sa bahay. "Magandang umaga, Russel. Halika na rito nang makakain ka na." Tawag sa akin ni Nanay Iska na tapos na sa pagluluto. Sa mesa naman ay nakaharap na si Itoy, kunot-noo itong nakatingin sa mga diyaryong inilalako nito tuwing umaga. "Busy ka, Itoy? Bawal abalahin?" tanong ko pagkaupo sa tabi niya. Hindi niya ako nilingon at hindi rin ako sinagot kaya't nakisilip na rin ako sa tinitignan niya. "Ano bang binabasa mo?" tanong ko ulit, nakuha ko na rin ang atensyon niya. "Hindi ko po alam," sagot nito saka nagkamot ng ulo. "Kanina pa ako nagbabasa ito pa la

