'RUSSEL GUEVARRA' Tulala at walang kabuhay-buhay akong bumangon isang umaga, humihikbi at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng bunso kong kapatid. "Butchoy. B-Bunso." Maya-maya ay may dalawang bisig ang yumakap sa akin. Yakap mula sa dalawang taong naging pamilya ko rito sa Manila. "Russel, tatagan mo ang loob mo. May awa ang Diyos, hindi niya pababayaan ang kapatid mo," wika ni Nanay Iska habang ako ay yakap-yakap niya at hinahaplos ang aking likuran. Ang paisa-isang bagsak ng mga luha ko ay nagtuloy-tuloy na hanggang sa pati ang paghikbi ko ay naging palahaw na. Dalawang araw na matapos kong mabasa ang balita mula sa pamilya ko sa Zambales tungkol sa nangyari kay Bunso. Akala ko ay panaginip lang pero hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin 'yong pag-aalala at takot na una ko

