Kabanata 2

2274 Words
-Lorie Catherine POV- "O, ano'ng nangyari sa'yo at parang bad trip ka na naman?" Takang-tanong ni Irish akin. "Don't tell me hindi mo alam ang balita tungkol kay Marcus Aurelius na ikinalat ng bàliw niyang ex-wife?" Turan ko rito. "Sino ba naman ang hindi makaalam sa trending at pinagpiyestahan ngayon sa social media?" "Kaya nga nag-iisip ako kung paano ko maresolba iyon," sagot ko habang nakatitig sa laptop. "Ang mabuti pa mag-bar hopping na lamang tayo," suhestiyon ni Irish sa akin. "Masyado ka na kasing seryoso sa kasong hawak mo, bigyan mo rin ng oras ang sarili mo, no?" May punto rin naman itong si Irish kaya pinaunlakan ko na ang sinabi nito. "Let's go?" Pansin kong nagulat ito sa aking sagot. "You sure?" "Do I look like I'm kidding?" Nakangiting tanong ko rito. Nagpatiuna na akong naglakad at tinungo ang sariling kotse. Napasulyap pa ako sa aking relong-pambisig. "Alas nuwebe na pala ng gabi, hindi man lamang natin namalayan ang oras." Pumasok na kami sa loob ng kotse, pagkatapos ay mabilis na pinaharurot ng takbo patungo sa bar na sinasabi ni Irish. Matagal na rin akong hindi nakapag-bar hopping. Kailangan ko rin ng break sa ngayon lalo na at medyo nakaramdam na rin ako ng konting stress sa kasong hawak ko. "Hey, are you, okay?" Tanong sa akin ni Irish. "I'm fine. Nag-iisip lang ako kung paano iresolba ang kaso ng kliyente ko." "Pwede bang set aside mo muna iyang iniisip mong problema, kaya nga kita inayang mag-bar hopping ay para mag-enjoy ka at hindi maisip ang ilang problema." Humugot na lamang ako ng isang malalim na buntong-hininga. "We're here," ani ko kay Irish. Nag-park agad ako sa isang parking space at sabay na umibis kami ni Irish. Pumasok kami sa loob ng entrance ng naturang bar, sinalubong agad kami ng nakakabinging ingay. Siyempre, hindi ko mapigilang mapangiwi sa lakas ng gaslaw ng tugtugin. Since matagal na rin akong hindi nakapag-bar hopping, medyo nahilo ako sa iba't ibang klase ng kulay ng naturang ilaw. Palibhasay okupado ang utak ko sa ilang mga bagay na dapat kong gawin patungkol sa kaso ni Marcus at Veronica. Diretso lang kami sa may bartender ni Irish, um-order ng ladies drink at dinala namin sa mesa kung saan naroon sa may isang sulok. "Sumasakit lang ang ulo ko sa ilaw," reklamo ko kay Irish. "Matagal na rin kasing hindi ka nakapag-bar hopping." "Sabagay," sagot ko at iginala ang tingin sa kabuuan ng naturang bar. "Ano, sayaw tayo sa dance floor?" Nakangiting paanyaya sa akin ni Irish. "No, thanks. Naiihi ako," ani ko. Pagdakay, nagpaalam ako rito para tunguhin ang rest room. Inilapag ko ang aking kopitang may lamang alak. Tumayo mula sa silya at naghanap ng rest room, nagtanong pa ako sa bartender at itinuro naman nito, nakangiting nagpasalamat ako rito. Pumasok agad ako sa loob at tinungo ang isang cubicle. Pansin kong walang gaanong tao. "Ohhh... hmmm... yes, baby...ahhh!" "Ang sarap mo, Veronica..." "Isagad mo pa, please..." "Yes, baby...hmmm?" Nanlaki ang aking mga mata. Kaya walang-sabing naisipan kong silipin ang kanilang cubicle. Isinara ko ang takip ng bowl para magsilbing tungtungan ko. Hindi ako nagkakamali tinig ni Veronica Aurelius ang narinig ko at nang isang lalaking sa tingin ko ay katalik nito. Medyo kabado-bente rin ang nararamdam ko sa mga oras na ito pero kailangan ko ang video para magsilbing pruweba sa kawalanghiyaan ni Veronica. Mabuti na lamang at hindi ako nakapagsuot ng heels at flat shoes, malakas ang kapit sa naturang tinutuntungan ko. Awtomatikong napatakip ako sa aking bibig nang makompirmang si Veronica nga at kasama ang isang hindi kilalang lalaki. Dàmn, they we're doing such infidelity. Got it! Ilang segundo din ang na-record ko na intimate scene ng dalawa sapat para isa sa maging matibay na ebedinsya. Kung sinuswerte nga naman ako. Sumilay ang kakaibang ngiti sa aking mga labi. Nailing na lamang ako sa napanood kong scene ni Veronica kasama ang lalaki nito na ngayo'y nasa aking cellphone. Hinihintay ko na munang makalabas ang dalawa bago ako tuluyang lumabas. Pagkalabas ko ay hindi ko mapigilang manginig sa sobrang excitement at sa gagawin ko mamaya pagkauwi. "O, ang tagal mo naman yata?" Kunot-noong tanong ni Irish sa akin. "Let's go at kailangan na nating makaalis dito bago tayo tuluyang makita ni Veronica with her lover." "Ano?!" "Tara na, Irish." Walang nagawa si Irish kundi ang sundin ako. "Okay, sabi mo, e." Ewan ko ba pero para akong hinahabol sa paglalakad ko, ang totoo kabado ako lalo na at may hawak na akong matibay na ebedinsya. Sa wakas makukuha ko na rin ang pera. "Ang bilis mo namang maglakad, teka, ano ba kasing problema?" "Nothing, basta kailangan nating makaalis sa lugar na ito. Huwag ka na lang magtanong." Hanggang sa wakas ay narating namin ang parking space at mabilis na pumasok sa loob ng aking kotse. "Whew!" Ani ko na tila nakahinga ng maayos. Dàmn, grabe ang kaba ko. Napasapo pa ako sa aking dibdib. "Okay ka lang ba talaga?" Hinihingal na tanong ni Irish sa akin. "Yeah, I'm fine." "Hindi man lang natin na enjoy ang bar hopping natin." "Next time na lang, thanks by the way. Dahil sa tulong mo nahuli ko si Mrs. Aurelius with her lover." Ipinakita ko kay Irish ang video na aking nakuha ng dalawang taong gumagawa ng milagro sa naturang banyo ng sikat na bar. "Omg!" Bulalas ni Irish. Sumilay ang tagumpay sa aking mga labi. Makukuha ko rin ang pera oras na mapirmahan ni Veronica ang divorce agreement. Makalipas ang ilang biyahe ay hinatid ko na rin si Irish sa sarili nitong apartment. Umuwi na rin ako sa aking apartment. Pag-uwi ko ay pagod na pagod ang aking pakiramdam. Pumasok ako sa loob at dumiretso sa aking kwarto at sumampa sa aking malambot na kama hanggang sa nakatulog nga ako sa sobrang pagod. Kinabukasan, inayos ko na ang dapat kong gawin. Kasalukuyang kaharap ko ang sariling laptop. Pagdakay, nakakalokong nakatingin sa aking ginawang photoshopped. Pagkatapos ko ay naligo na ako at nagbihis. Kailangan kong makausap si Mr. Aurelius at ipakita rito ang naturang video. Tinungo ko ang aking kotse, habang papasok pa lamang ako sa aking kotse ay narinig ko na ang pagtunog ng aking cellphone, inaasahan ko na ang pagtawag ni Marcus regarding sa ginawa kong photoshopped. Imbes na sagutin ang tawag ay hinayaan ko na lamang na tumunog ang aking cellphone. Binuksan ko ang pinto ng driver seat at pumasok sa loob. Pagdakay, pinaharurot ko kaagad ito nang takbo patungo sa building kung nasaan si Marcus. Makalipas ang ilang minutong biyahe ay agad na dumating ako sa naturang destinasyon. Mula sa sariling kotse ay umibis ako at naglakad patungo sa entrance ng naturang building. Since kilala na ako ng ilang mga employees ay labas-masok na ako sa naturang building. Ngiting tagumpay ang nakapaskil sa aking mga labi. Binabati ako ng ilang mga employees at tanging simpleng tango naman ang siyang naging tugon ko. "Good morning, Ma'am." Bati sa akin ng assistant ni Marcus. "Good morning, nariyan ba si Mr. Aurelius?" "Y—Yes, Ma'am." "Halika at may ipapakita ako sa'yo." "P—po?!" Gulat na turan ng assistant ni Marcus. Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil sa hitsura ni Marcus sa in-edit kong larawan na talaga namang sobrang h0t nitong tingnan. Lumapit sa akin ang assistant ni Marcus at ipinakita ang larawan na in-edit ko at ngayon ay naging viral. Nagulat ito sa nakita at halatang hindi makapaniwala. "P—Paano?" "Go, at ibalita mo sa boss mo, sabihin mo sa kanyang resolved na ang divorce niya." Nailing na lamang ito sa aking sinabi, pagdakay kumatok na ito sa pinto ng opisina ni Marcus. "Come in." Narinig ko ang baritonong boses ni Marcus. Pumasok sa loob ang naturang assistant at mula sa loob ay naririnig ko ang sinabi nito kay Marcus. Palibhasay halatang sinadya nitong huwag ilapat ang pinto nang opisina ni Marcus. "Sir, resolved na ang divorce mo." "And how it was resolved?" Pansin kong biglang tumahimik ang dalawa. Duda ko ipinakita na ng assistant ni Marcus ang nag-viral na photoshopped na ginawa ko kagabi. Mayamaya ay narinig ko ang malutong na mura ni Marcus. Nakagat ko ang pangibabang-labi sa narinig. Hindi ba ito masaya sa ginawa ko? Aba't ang h0t kaya nito, may nakalagay pa nga na 'Marcus h0t body, eight pack abs.' "Dàmn it, tawagan mo si Atty. Lucchese." Hindi na ako nag-aksaya at mabilis na kumatok sa pinto ng naturang opisina ni Marcus. "Come in," sagot nito. "Yes, I'm here. Looking for me?" Nakangiting ani ko rito. Sinalubong ko ang galit na mga mata ni Marcus. "What was that, Atty. Lucchese?" "Relax, photoshopped lang 'yon. Hindi ba't pinaratangan ka ng ex-wife mo na hindi na tumatayo iyang si Manoy mo, pwes, let's prove her wrong." "Look, alam mo bang kalat na kalat sa social media ang ginawa mong larawan ko?" "I know, pero tingnan mo nga naman ang ilang views, ang daming magagandang views," sagot ko rito. Napansin kong nag-excuse ang assistant ni Mr. Aurelius at mabilis na lumabas ng opisina. Napansin kong tahimik lang si Marcus habang pinakatitigan ang sarili nitong cellphone. Alam kong tinitingnan nito ang edited na photoshopped na ginawa ko. "Yes, it is. Pero alam mo bang ibang-iba ang katawan ko kaysa rito?" "Ano ba kasi ang edited para sa'yo? Natural na magka-iba dahil photoshopped nga ang ginamit ko hindi talaga ang tunay mong katawan ang nakabalandra riyan." Umigting ang panga ni Mr. Aurelius at dahil sa kakaibang ekspresyon ng mukha nito ay hindi ko maiwasang kabahan, sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi nito. "At talagang ginawa mo ang photoshopped, meaning pinagpantasyahan mo ang katawan ko, Ms. Lucchese?" "H—Ha? Of course not! Gumawa lang ako ng paraan para ipahiya si Veronica sa mga pinagsasabi niya, Mr. Aurelius patungkol sa'yo." Napaatras ako siyempre dahil sa kakaibang aura ngayon ng lalaking kaharap ko. Nagulat ako nang hapitin na naman nito ang aking katawan palapit sa matipuno nitong katawan. "Wa—What are you doing, Mr. Aurelius?" tanong ko. Ang totoo, hindi ko rin kayang pigilan si Marcus. Pero bakit gustung-gusto ko ang tiempo sa tuwing nagkadaiti ang aming mga katawan? "I have a deal, marry me." Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Marcus pero sa huli ay hindi ko tinanggap ang offer nito. "No, thanks." Kinakabahang sagot ko rito. Hindi ako makapaniwala sa offer ng lalaking ito. Desperado talaga itong hiwalayan ang malditang si Veronica. Narinig ko ang marahas nitong buntong-hininga. "Well, hindi kita pipilitin pero sana pag-isipan mo muna ng maigi bago mo tanggihan ang in-offer ko sa'yo, Atty. Lucchese." "I'm so sorry, Mr. Aurelius pero hindi na magbabago ang desisyon ko. I guess kailangan ko ng umalis." Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Marcus at dahan-dahang sinubukan kong alisin ang isang braso nito na ngayo'y nakapulupot sa maliit kong bewang. "L—Let go of me." "Please... Mr. Aurelius..." "It's a moan, sweetheart. What do you mean by your please, hmmm?" Napapikit ako nang marinig ang paos na boses ni Marcus. Hayan na naman ang kakaibang kiliti na ginagawa nito sa aking makinis na leeg. Nakaramdam ako ng panghihina ng aking mga tuhod at tila bibigay na naman ang aking katinuan sa bawat halik at haplos na pinalasap nito sa aking malambot na katawan. Nag-ipon ako ng lakas para itulak si Marcus kaya lang mas sadyang malakas ito. Mas lalo pa nitong kiniliti ang aking leeg gamit ang dila nito, at sa nararamdaman ko ngayon mukhang gusto ko pang alamin kung hanggang saan makarating ang kakaibang sensasyong ipinalasap nito sa akin. "Hmmm..." Ungol ko. Ngunit nagulat ako nang biglang bitiwan ako ni Marcus, doon ako nagkaro'n ng pagkakataon na makawala mula rito. "I have to go." Mabilis ang kilos na lumabas ako sa opisina ni Marcus. Inayos ko ang sarili hanggang sa tuluyang makalabas ng building at tinungo ang sariling kotse na nasa malawak na garage. Pumasok agad ako sa loob ng aking kotse at saka ito pinaharurot ng takbo pauwi sa bahay. Sinalubong kaagad ako ni Manang Candy. Ngunit hindi ko akalain na sa pag-uwi ko ay makita ko ang aking ama na si Steve Lucchese. Ilang taon ko na rin itong hindi nakita ni wala itong pakialam sa akin noon pa man. "Ano'ng ginagawa mo rito?" "Ganyang pagtrato ba ang dapat kong makita sa'yo bilang sarili mong ama, Lorie?" "Ama, matagal na akong walang ama. Akala ko nga pàtày ka na, e." "Watch your mouth, Lorie Catherine!" Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pag-igting ng mga panga ni Dad kasabay ng pagkuyom ng dalawa nitong kamao. "C'mon, bakit ka nga pala narito?" Sarkastikong tanong ko. "Hindi mo man lamang ba ako ipagtimpla ng kape o 'di kaya'y pakainin man lamang?" "No need to do that, t'saka hindi ka naman siguro gutom para anyayahan ko pa ng meryenda, hindi ba? Kung wala ka naman palang importanteng sasabihin ang mabuti pa ay umalis ka na sa sarili kong apartment." "Hija, ama mo 'yan at kailangan mo pa rin siyang igalang." "Hindi ko kailangang igalang ang walang-kwentang tao na naging dahilan ng pagkakasakit ng aking ina, Manang Candy." Narinig ko ang marahas na buntong-hininga ni Manang Candy. Sinalubong ko ang galit na mga mata ng aking ama. Akala ba nito matitinag ako? Over my dead body. "Well, ayokong magpaliguy-ligoy pa. Kailangan mong umuwi sa atin, at magpapakasal ka." Gigil na gusto kong damputin ang vase na nasa center table at ibato sa pagmumukha ng walang-hiya kong ama. "How dare you!" "Sa ayaw at sa gusto mo uuwi ka at magpapakasal ka, and that's final, Lorie." "No, way!" Sigaw ko rito. Nanginginig ang laman ko sa sobrang inis at poøt na nararamdaman para rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD