Kabanata 3

1098 Words
Third Person POV Inis na isinubsob niya ang sariling mukha sa kanyang malambot na kama dahil sa narinig mula sa sariling ama mas lalo lang siyang nagalit. "Dàmn it!" Galit niyang turan kasabay ng pagkuyom ng dalawang kamao. Nasasaktan siya sa isiping pinapangunahan na naman siya ng kanyang sariling ama sa mga desisyon niya sa buhay. Hinding-hindi siya papayag na makasal sa taong ni hindi niya kilala. Lihim siyang nanalangin na sanay umalis na ang sariling ama sa kanyang maliit na apartment. Hanggang sa hindi niya nalamayang nakatulog na pala siya. Nagising lang siya sa mahinang pagtapik ni Manang Candy sa kanya. "Kumain ka na muna, kailangan mong kumain." Pupungas-pungas siya at sinalubong ang nag-aalalang mga mata ni Manang Candy. "Si Dad?" "Umalis na, pero babalik daw siya bukas para kausapin ka. Oo nga pala, naniningil na ang may-ari nitong apartment." "Kasalukuyang gumagawa na po ako ng paraan at umaasang magkaka-pera." Gusto niyang ipakita sa sariling ama na kaya niyang tumayo sa sariling paa. "Binigyan ka niya ng dalawang araw na palugit, hija." Awtomatikong tumaas ang isa niyang kilay, dati maganda ang kanyang buhay dahil nga laki sa layaw, lahat ng nais niya ay ibinibigay dati ng kanyang inang si Lorna at ng kapatid na si Larry. Kaya lang dahil sa pagiging spoiled bràt pinutol ng kanyang ama ang sustentong para sa kanya at binigyan siya ng matinding leksiyon. Bumukod siya sa kanila para patunayan sa kanyang ama na kaya niyang mag-isa kahit wala ang sustento nito at tulong ng kanyang ina't kapatid. Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga. "Hija, alam kong pilit mo lang kinakaya ang lahat pero bakit ba hindi mo kayang ibaba iyang pride mo? Alam mo bang hinahanap ka na ng Mommy mo?" "Basta ba walang alam si Mommy sa hindi pagkaunawaan namin ni Dad, Manang Candy, ayokong mag-alala si Mommy lalo na at baka ma-trigger ang sakit niya." Hanggang ngayon ay sinisisi pa rin niya ang sarili dahil sa nangyari sa kanyang ina. Inatake sa puso ang kanyang ina dahil sa nasaksihan nito ang matinding pag-aaway nila ng kanyang ama. Ang alam ng kanyang ina ay okay na sila ng kanyang ama pero ang totoo ay hindi. Si Larry na kapatid niya ang siyang nagtatakip sa kanila ng kanyang ama para lang ipalabas na okay lang sila ng kanyang Daddy Steve. "Kailan lang ako hinanap ni Mommy?" Hindi niya napigilan ang mag-alala para sa kanyang ina. "Kanina, tumawag siya at kinumusta ka." Mayamaya ay narinig ko ang pag-ring ng kanyang cellphone. Nakita niya kaagad ang pangalan ni Marcus. Napalunok siya nang maalala ang nangyari sa kanila no'ng isang araw. "Excuse me, Manang Candy. Sasagutin ko lang ho ang kliyente ko." Mula sa kanyang bed side table ay dinampot niya ang kanyang cellphone at bumangon. Tinungo ang balcony, binuksan ang sliding door at lumabas, sinalubong agad siya ng mabining hangin na ngayo'y dumadampi sa kanyang makinis na balat. Tila nakahinga naman siya ng maayos nang malanghap ang naturang sariwang-hangin. "Yes, anong kailangan mo, Mr. Aurelius?" "Nakapag-desisyon ka na ba sa alok ko sa'yo?" "Alok, ano'ng alok ang sinasabi mo?" Kumunot ang kanyang noo sa narinig mula sa kabilang linya. Narinig niya ang marahas na buntong-hininga ni Marcus. "Marry me after ng divorce namin ni Veronica. And I want to know kung ano ng resulta sa pinapagawa ko sa'yo?" "Malapit na akong matapos at tiyak kong pipirma na rin si Veronica sa divorce na inaasam mo." "Good." Nagulat pa siya nang walang-gatol na pinàtày ni Marcus ang kabilang linya. "Gagó, pinatayan ba naman agad ako?" Inis niyang turan. Bumalik na siya sa loob kaya lang wala na si Manang Candy sa kanyang kwarto. Sigurado siyang naghahanda na ito ng kanyang dinner. "Ang bilis lang ng oras," aniya. Nagpasya na siyang maligo at pumasok sa loob ng banyo. Pagkatapos maligo ay agad na nagbihis at lumabas ng kwarto. "Manang Candy?" "Yes, hija." "Gutom na ho ako, nakapagluto na kayo?" "Kanina pa, hija. Narito nga at ipinaghanda na kita ng makakain mo." Nag-ring muli ang kanyang cellphone na kanina lang ay isinuksok sa kanyang bulsa. "Irish?" sagot niya sa tawag. "Kumusta na?" "Heto okay lang, buong-araw akong tulog. Nagpunta si Dad dito kanina kaya lang tulad ng dati nagtatalo na naman kami." "Iyang pride mo kasi ayaw mong ibaba. Aba Lorie Catherine hindi pwedeng ang magulang ang lumuhod sa anak." Napansimangot siya sa narinig mula kay Irish. "Kaibigan ba talaga kita?" "Malamang, ang tunay na kaibigan tinatama ang mali mo. Ang malungkot ay ayaw mong makinig dahil may sarili kang desisyon sa buhay. Hindi ka nakikinig sa mga taong nasa paligid mo." Napanguso siya. "Pwede bang 'wag ka na lang manermon?" Inis niyang sagot dito. "Hija, narito si Tita Gera mo kasama si Gedan." Kumunot ang kanyang noo nang marinig ang sinabi ni Manang Candy. "Si Tita Gera?" "Baka pinakiusapan ng Mommy mo," tugon ni Irish sa kanya. "Siguro," sagot niya sa kaibigan. Nagpasya siyang tumayo para salubungin ang kanyang Tita Gera. "Bye muna dahil mukhang may bisita ka at sa tingin ko kakausapin ka ng Tita Gera mo." "Expected, sige bye na muna." Pinàtày na rin niya ang tawag at maglakad patungo sa living room. Sinalubong agad niya ang kanyang Tita Gera kasama ang anak nitong si Gedan na kinakapatid niya. "Hello, Ate Lorie." "Hi, Gedan. Ang gwapo mo talaga kahit kailan," nakangiting ani ko sa cute na si Gedan. Ginulo ko na naman ang tuwid nitong buhok na siyang nakasanayan ko. "Narito kami para ibigay sa'yo ng personal itong invitation card. Huwag mong kalimutang pumunta sa birthday ni Gedan, actually napadaan lang kami rito." Inabot sa kanya ang invitation letter at agad naman niyang tinanggap na may ngiti sa mga labi. "Salamat, Tita." "Kumusta na kayo ng Daddy mo, gano'n pa rin ba ang trato mo sa kanya?" Inanyayahan niyang maupo muna sa couch ang kanyang Tita Gera, napasulyap siya kay Gedan na ngayo'y busy sa sarili nitong cellphone. "Tita baka may nais kayong kainin tamang-tama rin kasi at honestly kumakain ako ng dinner, baka gusto niyong sumabay sa'kin?" "Gano'n ba? Naku, naabala pala namin ang pagkain mo." "No, it's okay tita." "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Lorie?" "Tita sorry pero ayoko munang pag-usapan si Dad dahil nakakaramdam ako ng stress." Narinig niya ang marahas na buntong-hininga ng kanyang Tita Gera. "I guess we have to go since wala ka namang balak patawarin ang daddy mo. Alalahanin mong ama mo pa rin siya, Lorie." "I know, Tita. Salamat sa paalala." Hindi naman nagtagal ay umalis na sina Tita Gera at Gedan. Nasundan niya na lamang ng tingin ang mga ito habang papalayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD