-Lorie Catherine POV-
Mula sa aking kotse ay umibis ako, narito ako ngayon sa lugar kung nasaan si Veronica.
Hindi naman mahirap ang naging pangalawang pagbisita ko ng ilapag mismo sa harapan ni Veronica ang pinaka-matibay kong ebedinsya laban dito.
"Fine, papayag na ako since wala na akong kawala sa mga ebedinsya mo." Sumilay ang naglalarong ngiti sa aking mga labi at inilahad ko ang isang kamay sa harapan ni Veronica.
"Thank you, Ms. Veronica."
Hindi ngumingiting tinanggap ni Veronica ang aking pakikipagkamay dito at walang-gatol nitong pinirmahan ang naturang divorce agreement. Halos gusto kong tumalon sa sobrang tuwa makakabayad na rin ako sa ilang buwan na renta sa apartment na tinutuluyan ko baon pa naman ako sa mga ilang loans at heto na ang susi para makahinga na rin ako ng maayos.
"Umalis ka na rito, Atty. Lucchese habang nakapagpigil pa ako."
"Alright, bye." Nakangising sagot ko rito at saka ko ito tinalikuran. Halos liparin ng aking mga paa ang kinaroroonan ng aking kotse.
Hindi pa rin nawawala ang ngiti ng tagumpay na nakapaskil sa aking mga labi. Pumasok na agad ako sa aking kotse at pinaharurot iyon ng takbo patungo sa opisina ni Mr. Aurelius.
Bigla akong naging alerto nang maalala na naman ang intimate scene no'ng nagdaang-araw na namagitan sa amin, umigting ang aking panga sa sobrang hiya at inis lalo na nang mahuli kami ng assistant nito.
Pinarada ko kaagad ang sariling kotse sa malawak na garage ng naturang building. Umibis mula sa kotse at nagmamadaling naglakad na dala ang white folder. Makakabayad na rin sa lahat ng mga loans na kailangang mabayaran oras na maipakita ko kay Mr. Aurelius ang divorce agreement na may pirma ni Veronica.
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang ilang mga pagtaas ng kilay ng mga ilang empleyadong babae ni Mr. Aurelius, well, the héll I care.
Dire-diretso lang ang aking lakad, samantalang ang ilang empleyadong mga lalaki ay kay palad ng mga ngiti ng makita ang nakangiti kong labi.
"Good morning, Attorney Lucchese!" Ilan sa mga naririnig kong pag-bati na siyang tinugon ko lang ng tipid na tango.
Hanggang sa sumakay ako ng elevator patungo sa palapag kung nasaan ang opisina ni Mr. Aurelius. Makalipas ang ilang minuto ay huminto na rin ako sa tamang palapag at mabilis na lumabas mula sa elevator.
Ang nakangiting mukha ng assistant ni Mr. Aurelius ang siyang sumalubong sa akin. "Good morning, Atty."
"Good day, nariyan ba si Mr. Aurelius?"
"Yes, Atty., kaya lang po ay mahigpit niyang ipinagbabawal na wala munang papasukin sa loob dahil may importante pa siyang kliyente na kinakausap."
"I see," sagot ko.
Iminuwestra sa akin ng assistant ni Mr. Aurelius ang waiting area. Naupo ako sa malambot na sofa habang nanonood sa telebisyon kung saan maririnig at makikita ang balita.
Napalingon ako nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Mr. Aurelius at nakita ko ang paglabas ng isang maganda at seksing babae.
"Dàmn!" Hindi ko napigilang maisatinig, napatunayan kong nagsisinungaling nga si Veronica regarding sa pasaring nito tungkol kay Mr. Aurelius, pero nangibabaw ang inis ko nang mapansing nagkalat ang konting lipstick sa mismong labi ng naturang babae.
Inis na tumayo ako mula sa couch at hindi ko na hinintay pa na tawagin ako ng assistant ni Mr. Aurelius. Matapos nitong akitin ako at malalaman ko na lamang na may kinakalantari pala itong ibang babae?
Whàt the heck!
"Sandali lang po, Atty. Lucchese."
Hindi ko pinansin ang assistant ni Mr. Aurelius at basta na lamang akong pumasok sa opisina, at awtomatikong tumaas ang isa kong kilay nang mapansin kong kasalukuyang inayos ni Marcus ang zipper ng pantalon nito.
"Nakaraos na?" Walang-gatol kong tanong dito. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang gulat sa anyo ni Mr. Aurelius.
"I'm so sorry, Mr. Aurelius. Sinubukan ko siyang pigilan pero—"
"It's okay, iwan mo na muna kami ni Atty. Lucchese at nang makipag-usap kami ng maayos." Putol ni Marcus sa sasabihin pa sana ng assistant nito.
"Yes, sir." Saka ko narinig ang pagsara ng pinto ng opisina ni Marcus.
"So, nagawa mo na ba ang trabaho mo?"
"Yes, at kailangan ko ngayon din ang perang ibabayad mo sa'kin," walang-gatol kong sagot.
"Hmmm... mukhang confident ka ngayon, a?"
"Of course, siguro naman may ideya ka na kung bakit?"
"Tama ba ang naamoy ko? Pinirmahan na ba ni Veronica ang divorce agreement?"
"Yes, and I need some cash at huwag na 'wag mo akong bibigyan ng papel."
"Paano 'yan, Atty. Lucchese cheque ang ginagamit ko?"
Inis na nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Well, I have no choice kundi ang tanggapin ang ibabayad mong cheque."
"Good, and I'm thankful for that. Napag-isipan mo na ba ang alok ko sa'yo?"
"I'm sorry pero pinal na ang desisyon kong huwag kang patulan sa mga kabalbalan mo, Mr. Aurelius."
"So rude, huh?"
Naiinis lang naman ako dahil sa nakita ko kanina. For pete's sake, kahit sinong babae magagalit sa nasaksihan.
Naging alerto ako nang biglang tumayo si Mr. Aurelius at nangingiting lumapit sa akin. "Diyan ka lang at huwag mo akong lapitan, Mr. Aurelius utang na loob."
"Why?"
"Dahil iyon ang gusto ko." Matapang kong sagot dito.
"Tungkol ba ito sa kliyenteng babae na galing dito at sa nasaksihan mong pagsara ko ng sarili kong zipper?"
Napalunok ako sa narinig mula rito. "Ano namang pakialam ko roon?" Kunway tugon ko na tila wala kuno akong alam.
"Kagagaling ko lang sa comfort room at eksaktong iyon ang nabungaran mo."
"Wala kang dapat ipaliwanag dahil wala naman akong pakialam sa'yo at sa kliyente mong 'yon, Mr. Aurelius. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang pera na ibabayad mo sa serbisyo ko."
Narinig ko ang marahas na buntong-hininga ni Mr. Aurelius. "And regarding naman don sa nagkalat niyang lipstick wal—"
"Stop it, wala nga akong pakialam don. Now, lend me the money that I deserved."
"Alright," ani na lamang ni Mr. Aurelius. Bumalik itong muli sa sariling swivel chair at naupong muli. Mula sa drawer ng office table nito ay may kinuha ito.
And I saw the cheque. Dinampot nito ang ballpen at isinulat ang kabayaran na siyang pinagkasunduan namin.
"Akin na," ani ko.
Ibinigay agad ni Mr. Aurelius sa akin ang cheque at nakangiting lumabas ako ng opisina nito na masigla ang ngiti.
"Sa wakas makakapagbayad na rin ako sa lahat ng mga loans at sa upa sa apartment na tinutuluyan namin ni Manang Candy," nakangiting ani ko pa.