-Third Person POV-
Habang tumatagal si Lorie sa propesyon ay kahit paano marami na rin siyang kliyente, hanggang sa ma realize niyang hindi na pala tama ang kanyang mga ginagawa.
Dumarating sa punto na halos palaging mga kaso ng mayayamang elite na nagsisikap na makatakas sa batas ang kanyang mga kliyente. Dahil nga sa kailangan niya ng pera wala siyang choice kundi pagbigyan ang mga ito.
"Aray," daing niya nang sikuhin siya ni Irish.
"Tulala ka na naman."
"May naisip lang kasi ako."
"Si Mr. Aurelius ba 'yan?"
"Hmmm... siya nga."
"Care to share naman diyan."
"He offer me a marriage, ano ako baliw?"
Nanlaki ang mga mata ng kaibigan niyang si Irish sabay takip ng sarili nitong bibig.
"Omg, alam mo bang ang swerte mo sa bilyonaryo na 'yon?"
"Baliw ka ba, anong gusto mo tanggapin ko ang alok niya? No way!" Salubong ang kilay na sagot niya sa kaibigang hindi pa rin makapaniwala.
"Sa sobrang høt ni Mr. Aurelius tinanggihan mo?"
"Gagà ka ba?" Hindi ngumingiting aniya sa kaibigan.
"Kung ako sa'yo I grab the opportunity. Sayang din 'yon."
Awtomatikong tumaas ang isang kilay niya sa narinig mula sa kaibigan. "Baka nakalimutan mong kasal siyang tao?"
"At baka nakalimutan mong ikaw ang abogado niya na kasalukuyang tinatrabaho ang divorce agreement nila ng kanyang asawa?" Balik na turan ni Irish sa kanya.
Ngayon niya lang na realize na single na ulit pala si Mr. Aurelius dahil pinirmahan na nga pala ni Veronica ang naturang divorce agreement.
Kahit kailan wala siyang balak na patulan ang katulad ni Marcus. Iniisip niya kasing tulad lang si Marcus ng ilang mga taong nais takasan ang ilang legal sanctions.
Pero paano niya maipaliwanag ang muntik ng may mangyari sa kanila? Paano nga ba niya matatakasan ang nakakaliyong halik at haplos ng isang matinik na si Marcus?
Maisip pa lamang niya ang nangyari noong nagdaang araw ay tila awtomatikong kinikilabutan na siya sa mga patapos niyang sinasabi, paano kung kainin niya lang pala lahat ng iyon?
"O, natahimik ka na?" Pukaw sa kanya ni Irish.
"Actually, divorce na sila ni Veronica ngayon lang."
"Omg, so ibig sabihin pwede na kayo?"
Pinukol niya ng masamang tingin ang kaibigan ng marinig ang sinabi nito. "Pwede ba Irish maghunos-dili ka nga riyan sa mga lumalabas sa bibig mo."
Hindi niya napigilan na mairita sa sinabi ng kaibigan. "Ops, sorry."
Nailing na lamang siya sa narinig mula sa kaibigan. Nag-sorry nga pero may halong panunudyo naman.
"Tssk..."
Narinig niya ang mahinang hagikhik ni Irish. "Cheers?"
Napasulyap siya kay Irish, naiiling na dinampot niya ang kopitang may alak at nag-toast sila ng kaibigan niyang kasing kulit niya.
Kasalukuyang nasa isang bar sila ngayon dahil napag-usapan nilang mag-bar since minsan na nga lang sila makakapag-bonding dahil sa ilang mga busy days niya bilang isang fresh Atty.
"Yay, looks who's coming..." Inis na tinaasan niya ng kilay si Irish.
"What do you mean?" Takang-tanong niya kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
"It's him, si Mr. Aurelius together with his...hmmm... høttie friend?"
Gusto niyang mainis sa narinig pero may parte sa kanyang isipan na masaya at excited. Dàmn, inis na sinermunan niya ang sarili.
Hindi niya napigilan ang sarili at mabilis na nilagok ang laman ng kanyang kopita at walang-sabing nagsalin pa ulit.
"Hey, okay ka lang?" Takang-tanong ni Irish sa kanya.
"Kinakabahan ako, Irish. Feeling ko sinusundan ako rito ni Mr. Aurelius."
"Oh...hmmm...that's interesting." Sumilay ang pilyang ngiti sa mga labi ng kanyang kaibigan.
"I have to go, comfort room lang muna ako." Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ni Irish at nagmamadali na siyang tumayo at nilisan ang kanilang mesa. Halos gusto niyang kumaripas ng takbo lalo na at papalapit sa mesa nila si Marcus.
"Bullshît!" Inis niyang sabi nang sa wakas ay narating niya ang ladies room.
Pumasok agad siya sa loob at binuksan ang isang cubicle. Sapo ang sariling dibdib ay mabilis na in-locked niya ang naturang pinto at naupo sa inidoro.
"Bakit ko ba naramdaman ang ganitong kabilis na pagtibok ng aking puso?" Inis niyang tanong sa sarili.
Biglang tumunog ang message alert tone ng kanyang cellphone, nang tingnan niya kung sino ay ang kaibigan niyang si Irish.
Irish
Dalian mo riyan at hinahanap ka ni Mr. Aurelius.
Mas lalo lang kumabog ang kanyang puso sa nabasang mensahe. Hindi na siya nag-aksaya pang replyan ang kaibigan.
Tumingala siya sa kisame ng banyo at pumikit, nalilito sa mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Iyong tipong nililigalig ni Marcus ang kanyang sistema.
"Ano'ng nangyayari sa'kin?" tanong niya sa sarili. Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga saka tumayo at lumabas ng cubicle.
Imbes na bumalik sa mesa nila ni Irish mas pinili na lamang niyang umalis sa naturang bar. Tatawagan na lamang niya si Irish mamaya.
Nagmamadaling tinungo niya ang kanyang kotse kung saan ito naka-park. Mabilis ang kilos na pumasok siya sa loob at naupo sa may driver seat.
Muli tumunog ang kanyang cellphone, nakita niya ang pangalan ng kanyang minamahal na ina. Nagmamadaling sinaksak niya ang sariling earphone sa kabilang tenga at sinagot ang tawag.
"Yes, Mommy?" Mababakas sa kanyang boses ang labis na pag-aalala.
"I miss you, hindi mo na ako binisita rito sa bahay. Mukhang busy ka sa pagiging abogado mo, sweetie?" Parang dinurog ang kanyang puso nang marinig ang tila pagod na boses ng kanyang ina.
"Actually, papunta na ako riyan, Mom." Wala siyang choice kundi ang puntahan sa private hospital ang kanyang ina na siyang pagmamay-ari ng pamilya Lucchese.
Kung tutuusin pwede ng hindi mag-trabaho ni Lorie dahil sa yaman na meron ang kanyang pamilya, ngunit gusto niya ring tumayo sa sariling paa.
Minsan naisip niya na lahat ng bagay na nangyayari sa kanyang buhay ay may rason, siguro para matuto siya sa mga bagay-bagay.
Binuhay niya ang ignition at nilisan ang naturang bar kung saan walang-sabing iniwan niya ang kaibigang si Irish. Paniguradong maiinis sa kanya ang kanyang kaibigan dahil sa nilisan niya itong walang paalam.
Kasalukuyang binabagtas niya ang daan kung saan papunta sa kinaroroonan ng kanyang ina. Pasulyap-sulyap siya sa left side mirror, kanina pa niya napapansin na tila parang may sumusunod sa kanya, isang kulay itim na Ferrari.