—Third Person POV-
Dahil sa kuryusidad ay naisipan niyang bilisan ang takbo ng sariling sasakyan. Nang mapasulyap siya sa likuran ng kanyang kotse ay tila parang bula na nawala ang itim na Ferrari.
"Dàmn, sino kaya iyon?"
Mayamaya ay narating niya ang hospital kung saan naka-confine ang kanyang ina. Nag-park siya sa malawak na garage at nagmamadaling umibis mula sa sariling kotse.
Naglakad siya patungo sa entrance at magalang na binati ng dalawang guards. Excited siyang makitang muli ang ina, ilang buwan na ring hindi sila nagkita nito.
Lahat ng mga doctors and nurses ay bumabati sa kanya hanggang sa marating niya ang private suite ng kanyang ina. Pumasok siya sa loob, nadatnan niya ang kanyang kakambal na si Larry na ngayo'y nakatulog sa may couch habang ang kanyang ina ay masayang sinalubong siya ng isang matamis na ngiti.
"Mommy..." Mahinang sabi niya sa ina ayaw niyang ma-istorbo ang kapatid sa pagtulog.
"Sweetie..."
Nagmamadaling lumapit siya sa ina at niyakap ito ng buong-higpit. Hindi niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha, sobrang namiss niya rin kasi ito sa dami ba namang problema na kinakaharap niya which is aminado naman siyang kasalanan din niya dahil sa matinding pride para sa kinasusuklaman niyang ama.
"Kumain ka na ba? Bakit tila nangayayat ang prinsesa ko?"
"Mommy naman, e..." Nakangiting sagot niya sa ina. Ginagap niya ang palad ng ina at dinala sa kanyang mga palad.
"Oo nga, don't tell me in love ka na?"
"Ako, in love?" Nakangiting sagot niya sa kanyang ina na ngayo'y nakatitig sa kanya ng maigi.
"Sa klase ng ngiti mong 'yan sigurado akong, oo. Pwede mong sabihin sa'kin at nang makilatis ko ang lalaking 'yan."
"Mommy... wala nga. Pero may nakilala akong lalaki na ubod ng pagka-arogante."
"Hmmm... alam mo bang ganyan din no'ng nakilala ko ang daddy mo?" Hindi maipagkakaila ang tila panunudyo sa boses ng kanyang ina.
"Iba naman si dad, Mommy... Ang lalaking iyon sobrang nakakainis," sagot niya sa ina.
"Nakakainis talaga, ha? Bakit tila kumikinang ang mga mata mong 'yan?"
"Mommy..."
"You can't lie to me, sweetheart. Papunta ka pa lang pabalik na si Mommy. Alam ko kung ano'ng ibig sabihin niya'n. Attracted ka sa lalaking 'yon kaya lang hindi mo pa masabi."
Nang marinig niya ang sinabi ng kanyang ina hindi niya napigilan ang mapasinghap. "Really, mom?"
"Yeah."
"Sandali, kumain ka na ba ng dinner, mom?" tanong niya sa nakangiting ina.
"Yes, kanina pa. E, ikaw ba?"
"I'm done, actually kagagaling ko nga sa favorite bar namin ni Irish nauna nga lang akong umuwi dahil tumawag ka at para hindi ka magtampo sa akin."
"Hmmm... sobrang namiss kita, sweetheart." Nakangiting hinaplos ng kanyang ina ang kanyang kabilang pisngi.
"I miss you too, Mommy. Pasensiya ka na kung hindi na ako nakapagdala ng pasalubong para sa'yo."
"Ang importante ang presensiya mo, sweetie. By the way, bumalik tayo sa topic regarding don sa aroganteng lalaking sinasabi mo. Don't tell me hindi ka attracted sa kanya?"
Napansimangot siya nang itanong iyon ng kanyang ina. "Mommy... hindi naman importante ang lalaking iyon at bakit isinali mo pa sa usapan natin?"
"I just want to observe kung anong magiging reaksyon mo, kahit anong tago mo sa nararamdaman mo for that man hindi mo iyon kayang i-deny sa akin. I know you well."
Yes, mas kilala nga siya ng kanyang ina. Posible rin kayang alam nitong hindi pa sila okay ng kanyang ama?
"How about iyong tungkol sa amin ni Dad?" Nakayukong tanong niya sa kanyang ina.
"Well, kilala ko ang daddy mo at wala rin siyang pwedeng ilihim sa akin. Alam kong pino-protektahan niyo pareho ang kalagayan ko ngayon. Nasa sa inyong dalawa na rin naman kung sino sa inyo ang nais magpatawad. Umaasa akong ikaw na anak ko ang siyang dapat na humingi ng tawad sa iyong ama. Ang nais lang naman ng daddy mo ay ang i-tama ka sa mali mo, sweetheart."
Naintindihan naman niya ang punto ng kanyang ina kaya lang hindi pa siya handa dahil na rin kasi sa paraan ng pagtrato sa kanya ng sarili niyang ama.
Masasabi niyang napaka-istrikto ng kanyang daddy, ultimo pagba-bar niya sa mga kaibigan niya noon ay pinapakialaman siya nito hanggang sa nagpasya na nga siyang umalis sa mismong pader ng kanyang mga magulang.
"I know that, Mom. But the way Dad treats me makes me feel like a nuisance."
"Para namang hindi ka sanay sa daddy mo." Nakangiti pa ring sabi ng kanyang mommy.
"Ang totoo niya'n ay hindi pa rin kami okay, Mom."
"Alam ko naman iyon at hindi niyo pwedeng itago sa'kin iyon dahil mas kilala ko kayo. But, naniniwala ako na someday magkakaayos din kayo ng Daddy mo."
Gusto niya sanang tanungin sa ina kung may alam ba ito sa sinasabi ng kanyang ama regarding sa kasal na sinasabi nito, kaya lang ay nag-alala siya sa maging reaksyon nito, mas pinili na lamang niyang sarilinin ang tanong.
"Alam kong darating din iyon, mom. Sa ngayon mukhang malabo pa lalo na at sariwa pa sa akin ang nangyari."
"Hindi mo naman kailangang isisi sa daddy mo ang nangyari sa akin, sweetie."
"Hindi mo rin pwedeng i-alis sa isipan kong siya ang sinisisi ko mom. Kung hindi dahil sa ginawa niya wala ka ngayon dito."
"Sweetheart, natabunan lang ng galit, inis at poot ang iyong puso. Kailangan mong aralin ang magpatawad dahil iyon ang magbibigay sa'yo ng kaginhawaan."
"Maybe in a right time, mom. Sa ngayon mahirap pa, para bang sugat na kay presko pa at kailangan munang paghilumin?"
Nakangiting inayos na kanyang Mommy ang ilang mga buhok na nakatabing sa kanyang pisngi. "Lahat ng ginagawa ng daddy mo ay para sa ikabubuti mo, 'yan ang lagi mong tatandaan."
Alam niya naman at aminado siyang para sa ikabubuti niya ang ginagawa ng kanyang daddy pero ang pangunahan siya para sa kanyang future at ipakasal sa isang lalaking hindi niya kilala ay hindi niya hahayaan.
Pinipigilan niyang itanong sa ina ang tungkol sa bagay na iyon at baka wala itong alam lalo na at hindi naman nito naging topic ang tungkol sa pagpapakasal niya. Dahil unang-una hindi nahuhuli ang kanyang mommy when it comes sa mga desisyon ng kanyang ama.
Mayamaya ay dahan-dahang kumilos ang kapatid niyang si Larry. Idinilat nito ang mga mata at nagulat ito nang makita siya.
"Lorie?!"
"Ako nga, Larry." Nakangiting sagot niya sa kapatid.
Mababakas sa hitsura ni Larry ang tuwa nang makita siya. "We miss you!"
"Namiss ko rin kayo ni mommy," sagot niya sa kapatid at nagyakapan sila nito, gano'n ang tagpo nang biglang bumukas ang pinto ng private suite ng kanyang ina at iniluwa ang kanyang ama na tila pagod na pagod ang hitsura.
Ewan ba niya pero ramdam niya ang matinding problema at pagod sa anyo ng kanyang ama. Nang mag-angat ng tingin ang kanyang ama ay nagulat ito nang makita siya, halatang hindi nito inaasahan ang kanyang pagdating.
"Dad," aniya. Inunahan na niya ito dahil ayaw niyang gumawa ng eksena sa harapan mismo ng kanyang ina bilang matinding paggalang at labis na pag-aalala.
"Narito ka pala hindi ka man lamang nag-text sa'kin para man lang nasundo kita," simpleng sagot ng kanyang ama.
"May problema ba?" Malumanay na tanong ng kanyang ina sa kanyang daddy.