Takang napatingin si Achellion sa pinto nang pumasok sa loob nang conference room ang isang dalagang may dalang mga folder. Isa-isa silang binigyan nang dalaga ang mga sundalong nandoon. Isa si Achellion sa mga sundalong nasa loob nang conference room. Isang meeting ang sinasagawa para sa bagong misyon nila.
Ganoon na lamang ang gimbal nila nang makita ang isang patay na katawan nang isang dalaga sa unahang pahina. Dahil sa naging reaksyon nang mga nandon, mahinang binuksan nang Achellion ang folder. At dahil sa Nakita sa unang pahina. Agad naman nilang tiningnan ang iba pa. Doon nakita nila ang tatlo pang katawan nang mga babae.
“Anong klaseng files ‘to?” takang tanong ni Viktor dahil sa labis na gulat. Isa si Viktor sa mga miyembro nang task force at kasama ni Achellion sa loob nang conference, Isa siyang weapon expert.
“Kung maalala niyo six months ago may mga kadalagahang nawawala. Ang apat na iyan ang ilan lamang sa mga kadalagahang kinidnap. Noong isang buwan, nagsagawa nang research ang rescue operation ang national defense para hanapin ang mga kadalagahang nawawala. At sa paghahanap nila nakita nila ang bangkay nang apat na dalagang iyan. Para sa proteksyon nang pamilya nila hindi inilabas ang balitang ito. At para na rin sa ikapapanatag nang loob nang iba pang pamilya na hanggang ngayon hindi pa makita ang mga anak. ” paliwanag ni General Mendoza.
“Napakabrutal nang pagkakatapay sa kanila. Tinanggal ang Puso at Atay.” Nangilabot na wika ni Dr. Helena, isang Forensic Expert.
“Ano namang klaseng mga tao ang gagawa nito?” Takang tanong ni Raven. Nakatingin lang si Achellion sa mga files. Habang tinitingnan niya ang mga larawang isa lang ang sigurado niya. Hindi tao ang gumawa nang bagay na iyo. Hindi naman lingid sa kanya na maraming kababalaghan sa mundo at ilan sa mga kakaibang nilalang ay nakalaban na rin niya.
“Kung pagbabasihan natin ang report. Maaaring black syndicate ang gumawa nito. sila ang illegal na grupong nagbibinta nang mga laman loob sa black market.” Ani Sera. Hindi naman nagsalita ang iba, dahil sa isip nila iyon din ang tumatakbo. Iisang grupo lang naman ang alam nilang may pwedeng gumawa nang ganoong bagay. At hindi nakakapagtaka kung Sila ang nasa likod nang kidnapping at pagpatay.
“Ngunit, kung black market ang mga gawa nito, hindi ba dapat hindi lang puso at atay ang kinuha nang mga ito? Pwede rin nilang ibenta ang Kidney at Mata.” Wika naman ni Sera. Dahil sa sinabi nang dalaga takang napatingin sa kanya ang mga nandoon. Iyon ay dahil sa labis na pagkagulat sa sinabi nang dalaga.
“Bakit? May sinabi ba akong masama?” takang tanong ni Sera nang mapansin na nakatingin sa kanya ang lahat. “Unless you are thinking it’s a paranormal event. O supernatural na naging dahilan sa pagpatay sa kanila.” Wika nang dalaga. Na lalo namang ikinagulat nang lahat. Bahagya namang napatingin si Achellion sa dalaga saka napatingin sa mga nandoon. Ilang misyon na ang pinagsamahan nila bilang miyembro nang Nightwatch Division. Isang task force na hindi lang krimen ang iniimbestigahan kundi mga supernatural events. Ang mga miyembro nang division ay may mga kanya-kanya ding kakayahan. Kahit na sabihin mga ordinaryong tao lang sila.
“Hindi naman Malabo na mangyari yun. May mga kababalaghan sa mundo na hindi natin maipaliwanag.” Wika pa nang dalaga. Hindi naman sila nagsalita dahil totoo naman ang sinabi nito. Hindi nila pwedeng alisin ang posibilidad na iyon dahil sa alam nilang may mga kakaibang nilalang na nag-e-exist sa mundo.
“May punto rin naman si Sera. Pina imbestigahan na naming ang black market at wala kaming makitang koneksyon nila sa mga nangyayari. Sa ngayon ito lang ang lead na meron tayo.” Wika Nang general at initusan si dalagang nagadala nang files na ibigay sa pitong miyembro nang task force ang isa pang folder. Laman noon ang mga profile nang anim pang dalagang nawawala. Noong nakaraang anim na buwan sabay sabay na nawala ang sampung dalaga. Noong isang buwan lang nila nakita ang bangkay nang apat.
Sa ngayon may anim na biktima pa ang hindi nakikita at ito ngayon ay kinailangan na nilang humingi nang tulog sa nightwatch divivion para malutas ang kasong ito, Nabahala na ang gobyerno dahil sa apat na dalaga ang pinatay at masyadong karumaldumal ang pagpatay sa mga ito na para bang kinatay. Kailangan nilang mahanap ang anim na dalaga bago pa may sumunod na mamatay sa kanila. Kung paano at kung saan nila hahanapin ang mga ito iyon ang dapat nilang asikasuhin.
“I trust you Capt. Achellion. I know you can find a way to figure this out.” Wika ni General Mendoza at bumaling sa tahimik na binata.
“Kilala ka nang lahat at marami akong naririnig na magagandang achievements mula saiyo. Hindi lang dahil anak ka ni General Heartwell, kundi dahil sa mga sarili mong achievement. Hiling ko lang na huwag masyadong maging pabara-bara ang kilos mo. May mga naririnig din akong kwento na hindi ka mahilig makipagcoordinate sa iba.” Wika pa nang Heneral na tumingin sa binata.
“I will do my best.” Wika pa nang binata saka tumingin sa files. Sa nakikita niya magiging mapanganib ang misyon na ito sa kanila. Nararamdaman niyang hindi magiging madali ang misyong ito.
“Bukas na ang alis ninyo papunta sa maliit na bayan kaya maghanda na kayo.” Wika nang Heneral. “Captain, ikaw na ang bahala sa ibang preparasyon. Kinausap ko na ang piton dagdag sa grupo niyo they will join you tomorrow. Makakatulong sila lalo sa mga labanan dahil ilan sa mga kasama mo sa division niyo ay hindi naman Talaga mga sundalo.”
“One more thing. Kinausap ko na ang mayor at kapitan nang bayan na iyon, they will assist you.”
“Yes Sir.” Sagot naman ni Achellion saka tumayo. Sakto namang tumayo siya nang biglang tumunog ang cell phone niya. Agad naman niyang kinuha ang cell phone niya sa loob nang bulsa nang camouflage pants niya. Tiningnan niya ang caller ID bago sagutin. Nang makitang si Astrid ang tumawag agad na sinagot ni Achellion ang Cell phone niya.
“Oh, Astrid napatawag ka. May nangyari ba?” Tanong ni Achellion sa dalaga.
“Binigay mo sa babaeng yun ang isa mo pang cell phone?” salubong na tanong ni Astrid sa kanya. Bigla namang natigilan si Achellion. Ang tinutukoy nito ay ang extrang cell phone niya. Nandoon ang mga personal na contact niya. Habang ang dala niya ngayon ay para lang sa trabaho. Hindi niya gustong pinaghahalo ang personal at professional na trabaho niya.
“I did. Bakit?” Simpleng Tanong nang binata.
“Bakit? Kanina pa ako tumatawag doon. Alam mo bang hindi pa umuuwi dito sa village ang babaeng yun.” Tila inis na wika ni Astrid.
“Hindi pa umuuwi? Umalis siya?” Tanong nang binata.
“Isinama siya ni Mama Valeria kanina.” Wika ni Astrid.
“Hindi ko alam kung inosente ba siya o Tanga. Nakabalik na si Mama Valeria pero siya hindi pa bumabalik. Alam ba niya kung papaano bumalik dito? Kabago-bago niya dito nagiging sakit na siya sa ulo.” Wika ni Astrid. “Saan mo ba napulot ang babaeng yun----”
“Hindi siya kasama ni Alpha Valeria pagbalik niya?” tanong nang binata na tila hindi narinig ang ibang sinabi ni Astrid. Narinig nang mga kasamahan ni Achellion ang sinabi nang binata at tila napansin nilang nag-aalala ito.
“What’s wrong Captain?” Tanong ng Heneral. Napatingin naman si Achellion sa Heneral. “May importante lang ako pupuntahan. Mauuna na ako.” Wika ni Achellion na bahagyang ibinaba ang cell phone niya saka sumaludo sa Heneral.
“Go on. So long as kaya mong makabalik bago ang alis niyo papunta sa bayan nang misyon niyo.” Wika nito.
“I will.” Wika nang binata saka nagmamadaling lumabas. Napatingin lang ang iba sa Binatang nagmamadaling lumabas nang conference room.
“Astrid. Anong nangyari bakit hindi pa siya bumabalik?” tanong ni Achellion saka muling kinausap si Astrid sa Cell phone.
“I don’t know. Isinama lang siya ni Mama Sa labas para hindi siya mabagot sa village pero hindi na siya sumama pabalik. Hindi naman kaya niloloko ka lang noon. Baka spy siya na gusto lang makakuha nang impormasyon sa village natin. Mas magiging mapanganib sa atin at sa mga nakatira sa village kapag nalaman nang mga kalaban natin ang tungkol dito. Dapat hindi ka nagdadala nang mga hindi mo kilala. Ang pagiging maaawain mo ang magiging dahilan nang pagbagsak nang village natin.” Wika pa ni Astrid. Hindi naman kumibo si Achellion. Hindi rin siya makapaniwal na kayang gawin ni Ashmaria ang iniisip ni Astrid.