“Tatawagan kita mamaya.” Wika ni Achellion kay Astrid sa kabilang linya. Papatayin na sana niya ang Cell phone niya ngunit biglang nagsalita si Astrid. “Saan mo naman siya hahanapin? At bakit mo pa siya pag-aaksayan nang panahon. Bagong kilala mo lang siya. It’s not like she is your mate or some----” biglang naputol ang sasabihin ni Astrid. Maging si Achellion ay natigilan din. At ang pananahimik ni Achellion ang nagbigay kay Astrid nang ideya sa bagay na ayaw niyang isipin. Dahil matagal na niyang gustong siya ang maging fated mate ni Achellion. Alam niyang impossible given what Achellion is. Hindi lang siya isang ordinaryong Alpha. He is different far more superior than any other Alpha. “She is not your mate, is she?” Tanong ni Astrid. “Let’s talk about it. Pagbalik ko. Sa ngayon--

