“Kilala mo sila?” tanong ni Achellion kay Ashmaria na napatingin sa dalaga nang makitang natigilan ito habang nakatingin sa binata at dalagang nakasalubong nila. Napansin din ni Achellion na napatingin ang binata sa kamay niyang hawak ang kamay ni Ashmaria. Nang mapansin ni Ashmaria na napatingin si Zion sa kamay niyang hawak ni Achellion pasimple niyang binawi ang kamay sa binata. “Sino naman yang kasama mo? Sundalo? Bakit nahuli ka ba?” natatawang wika ni Selena sa dalaga. Lihim na napakuyom na kamao lang si Ashmaria dahil sa sinabi ni Selena. “Sino siya? Bakit may kasama kang sundalo? May nangyari ba saiyo?” Tanong ni Zion. Napatingin naman na may pagtataka si Ashmaria kay Zion. Bakit parang sa boses nito nag-aalala ito sa kanya? Dahil ba sa may kasama siyang sundalo? Kung nag-aalal

