“Captain, sino yang kasama mo?” Takang tanong ni Viktor nang dumating si Achellion sa Headquarters nang Task force na kasama si Ashmaria. May oras pa naman para makauwi ang dalaga sa village nang Crimson Crescent Moon, kaya lang dahil sa nangyari kanina sa kalsada. Naisip ni Achellion na hindi na pauwiin ang dalaga. Nangangamba din siyang masundan ito nang mga nilalang doon. Kapag nangyari iyon hindi lang si Ashmaria ang malalagay sa panganib kundi maging ang mga tao sa loob nang village. Kahit naman may mga trained na bantay ang village hindi lahat sa kanila kayang labanan ang mga nilalang na sumasalakay sa kanila lalo na ngayon na tila mas malakas sila at malakas ang loob na sumalakay ngayon. Nakatingin ang lahat kay Ashmaria dahilan para hindi mapakali ang dalaga. Nakatingin siya sa m

