“Cpl. Dave Lopez. Eskortan mo si Captain papasok.” Wika nito sa binata.
“Yes sir.” Mahinang wika nito. Matapos I-announce sa megaphone nang SWAT leader na ang Binatang Kapitan ang gagawin nilang pampalit na bihag. Inihatid na nga ni Dave ang binata sa pinto nang Banko.
“Captain. Sigurado kayo sa gagawin niyo? Alam-----”
“Huwag kang mag-alala kaya ko ang sarili ko.” Wikan ang binata habang naglalakas sila papalapit sa banko. Nang huminto sila sa pinto nang banko saka naman ang paglabas nang limang holdapper. Agad nilang hinawakan nang Binatang Kapitan at tinutukan nang Baril sa ulo. Nahintakutan naman ang lahat sa nakakita.
Giniya nila ang binata patungo sa isang sasakyan. At dahil alam nang mga SWAT at police na ang hawak nang mga lalaki ay ang bunsong anak nang General kaya hindi nila magawang mag open fire. At mariin ding iniutos nang Binatang Kapitan sa kanila na huwag pipigilan ang mga lalaki. Sinabi nitong kailangan niyang mailayo sa maraming tao ang mga lalaki, upang hindi na makapanakit ang mga ito.
“What an Idiot.” Komento ni Ashmaria dahilan para mapatingin sa kanya ang sundalo. “Siya ba talaga ang fated mate ko? Ang Alphang nag marka sa akin? Ano ba naman tong kapalaran ko.” Reklamo nang dalaga. At dahil sa labis na pagtataka sa kanya napapatingin lang ang sundalo sa dalaga.
“Si Captain Achellion ang pinakamagaling na sundalo dito. Lahat hinahangaan siya.” Wika nang sundalo.
“Well, Sa nakikita ko. Isa lang siyang sundalong mahilig pumasok sa gulo nang hindi nag-iisip. He is stubborn I see that.” Wika pa nang dalaga.
Nang umalis ang mga lalaki gamit ang isang sasakyan. Agad namang pumasok sa loob nang bangko ang mga pulis, doon Nakita nila ang isang security guard na walang buhay at isang sugatan. Agad naman nilang sinaklolohan ang mga ito.
“Sisihin mo ang tatay mo dahil hinayaan ka niyang maging opisyal.” Wika nang isang holdapper kay Achellion. Hindi naman kumibo ang binata. Tatlong lalaki ang nasa tabi niya. Alam niyang mahihirapan siyang makatakas ngunit alam din naman niyang kaya niyang talunin ang mga ito. Kailangan lang niya nang magandang plano.
Habang nag-iisip nang plano kung papano makakaalis. Saka naman nahagip nang mata niya ang dalagang Nakita niya sa hospital. Nakita niyang tila hinaharass ito nang mga lalaki. At tila namang isa itong naliligaw na tuta na hindi alam kung anong gagawin.
“Boys. Sa palagay ko masyado na tayong malayo. You see, may bigla akong naisip na gawin.” Wika ni Achellion.
“Ano namang pinagsasabi mo?” Wila nang lalaki sa passenger seat saka lumingon sa kanya ngunit, kamao ni Achellion ang sumalubong sa kanya. Kahit sa liit nang espasyo sa loob nang sasakyan nagawa niyang patulugin ang tatlong katabi niya. Saka naman inihinto nang driver ang sasakyan. Agad namang ginamit iyon ni Achellion upang makalabas.
Sa labas nang kotse nilabanan niya ang dalawa pang lalaki na agad din naman niyang nagapi. Saka tinawagan si Dave na magdala nang mga pulis upang hulihin ang mga lalaki. Ipinasok niya sa loob nang kotse ang mga lalaki saka nilagyan nang posas at tali upang hindi makalabas.
“Nasaan na yung pinababantayan ko saiyo?” tanong ni Achellion nang lumapit sa sundalo na iniwan niya para magbantay kay Ashmaria. Takang napatingin sa kanya ang binata. Maging ito hindi rin alam kung nasaan ang dalaga. Kanina lang ay katabi niya lang ito at hindi rin niya napansin ang pag-alis nito.
Kung tutuusin, makakabuti para kay Achellion kung hindi na niya hahanapin ang babae. Ito na ang kusang umalis. Kaya wala na siyang responsibilidad dito. Pero sa loob-loob niya hindi niya magawang basta nalang iwan ang dalaga lalo na nang pumasok sa isip niya ang sinabi nitong tungkol pag-alis nito sa Pack nila. At kung totoo ang sinabi nang dalaga saan naman ito pupunta ngayon?
“Crap!” Napamurang wika ni Achellion.
Ano bang ginagawa ko.” Wika ni Ashmaria sa sarili niya habang naglalakad. Hindi naman niya alam kung saan pupunta. Kanina, naisip niyang hindi ang Binatang Kapitan na iyon na bara-bara kung kumilos ang pagkakatiwalaan niya nang buhay niya. Wala na siyang Pack at wala siayng mapupuntahan at kung sa Binatang iyon niya ipapaubaya ang sarili niya baka nga maaga siyang mahimlay. They may be fated mates and she has his mark pero hindi niya ipagkakatiwala ang sarili sa taong hindi rin pinahahalagahan ang sarili niya.
“Hey Miss, saan ka pupunta?” tanong nang isang lalaki na biglang humarang kay Ashmaria. Bigla namang natigilan sa gulat ang dalaga. Saglit siyang tumingin sa lalaki saka akmang lalampasan ito. Ngunit nagulat siya nang hinarang siya ang isa pa.
“Nagmamadali ka yata. Bakit hindi mo muna kami samahan?” Tanong nang isa saka hinawakan si Ashmaria sa gulat niya ay agad siyang napaigtad at lumayo sa lalaki.
“Bakit? Natatakot ka ba sa amin? Mabait naman kami.” Ngumising wika nang isang lalaki saka tumayo sa likod niya.
“A-aalis na ako.” Wika ni Ashmaria saka muling tinangkang umalis ngunit biglang hinawakan muli siya nang lalaki.
“Huwag ka namang suplada. Ikaw na nga itong kinakaibigan ikaw pa itong pakipot.” Wika nang lalaki sa kanya.
“Huwag mo akong hawakan!” wika ni Ashmaria saka tinaboy ang kamay nang lalaki.
“Masyado kang mailap. Huwag kang mag---” gigil na wika nang isang lalaki at akmang hahawakan muli ang kamay nang dalaga ngunit biglang may isang kamay na pumigil sa kamay nito. Napatingin ang mga lalaki sa bagong dating, maging ang dalaga ay napatingin din sa binata. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makilala ang binata.
Sinundan ba siya nito? Iyon ang tanong sa isip ni Ashmaria. Pero bakit? Hindi ba’t mas maigi para dito kung hindi nalang sila magkakaroon nang koneksyon. Hindi niya maintindihan ang nangyayari.
“Mga Sir, sinabi na niyang huwag niyo siyang hawakan. Hindi naman yata tamang pilitin niyo siya.” Wika ni Achellion saka binitiwan ang kamay nang lalaki sabay hawak sa kamay nang dalaga saka hinila patungo sa likod niya. Taka lang na napatingin si Ashmaria sa binata. Hindi niya maintindihan kung anong ginagawa nito.
“Sino ka naman? Bakit ka nakikialam?” Asik nang isang lalaki.
“Hindi maganda ang mood ko ngayong araw. Sunod-sunod akong napasabak sa mga mahilig gumawa nang gulo. At masakit na ang katawan ko. Kaya ganito nalang. Kung hindi kayo aalis matapos niyong Makita ‘to, wala akong magagawa kundi damputin kayo at patulugin sa kulungan.” Wika ni Achellion saka inilabas ang kanyang Chapa na nakasabit sa leeg niya na nakalagay sa isang ID holder. Nang Makita nang mga lalaki ang badge nang binata biglang napaatras ang mga ito.
“Great. Mukhang magkakasundo tayo.” Wika nang binata na tila nagustuhan ang naging reaksyon nang mga lalaki.
“Hindi mo kami patatakot sa peke mong Chapa. Lahat nang mga nagkukunwaring pulis ----” bilang naputol ang sasabihin nang lalaki nang huminto sa tapat nila ang isang police Car.
“Captain! Nahuli na naming ang mga holdaper. Dederecho na kami sa presinto.” Wika ni Dave na nasa passenger’s seat. “Ah, Mukhang busy. May mga bago ka yatang kaibigan.” Wika nito nang mapansin ang mga lalaking kasama nang binata.
“Captain?” gulat na wika nang isang lalaki. Simpleng kibit balikat lang ang ginawa ni Achellion. Nag-uunahan namang tumakbo ang mga lalaki nang malamang hindi ito nananakot nang sinabing isa itong pulis.
“Sige na mauna na kayo. Susunod ako.” Baling ni Achellion kay Dave. Tumango naman ang lalaki saka inutusan ang driver na umalis sa lugar na iyon. Nang makaalis sina Dave saka naman bumaling si Achellion sa dalaga. Na noon ay nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa kamay nito.
“Ano sa palagay mo ang ginagawa mo. Hindi ba’t sabi ko huwag kang aalis. Kanina you are talking about me taking responsibility over you. Tapos----”
“I am doing you a favor. Kung hindi mo nakikita.” Agaw nang dalaga.
“What? Doing me a favor?” hindi makapaniwalang wika nang binata. “Kanina sinabi mong ako ang dahilan kung bakit ka pinaalis sa pack mot apos-----”
“Well, I realize. The moon goddess must be playing a prank on me.” Anang dalaga. “I can’t entrust myself, sa isang taong hindi nag-iisip bago kumilos. I am not sure if you are a true Alpha. Pero wala pa akong nakikilalang Alpha na kasing bara-bara gaya mo. Probably, it was the reason why you accidentally marked me that night. Yang pagiging mapusok mo. If there is only a way for the mark to be undone. Who would want to be marked----”
“Wait.” Putol nang binata sa iba pang sasabihin nang dalaga. Natigilan naman si Ashmaria at napatingin sa binata.