“Wait.” Putol nang binata sa iba pang sasabihin nang dalaga. Natigilan naman si Ashmaria at napatingin sa binata. “Mali, yata ang dinig ko. I marked you?” Hindi makapaniwalang usal ni Achellion sa narinig na sinabi ni Ashmaria. Napataas naman ang kilay nang dalaga dahil sa sinabi nang binata di yata at hindi ito maalala ang ginawa just few days ago. May dual personality ba ito?
“You did!” anang dalaga. “Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit ako pinaalis sa pack ko. I was disowned because of your mark. At huwag mong sabihing nakalimutan mo. You even took---” natigilang wika nang dalaga. “You took my first kiss you Perv!” bulalas pa ni Ashmaria. Bigla namang natigilan si Achellion. Saka napatingin nang derecho sa mukha nang dalaga. There is no way, siya ang babaeng yun. Naaalala pa niya ang babaeng iniligtas niya sa pulutong nang mga aswang hindi niya kilala ang babaeng iyon. But he saw her running for his life at hindi naman siya ang tipong basta-basta nalang babalewalain ang taong nangangailangan.
He remembers kissing a girl under a tree. But that is to save her and shut her mouth from screaming. It could be an unconventional way of shutting her mouth. That there is no way she could have marked her with just a simple kiss.
“Okay let’s make this clear. I kissed you and you’ve been marked? By me? With a kiss?” anang binata. “You want me to believe that?” sakristong dugtong nang binata. Napaawang naman ang labi ni Ashmaria dahil hindi makapaniwala sa narinig niya.
“Fine. You don’t have to believe me. I’m done with this. Like I said I don’t need an Alpha na bara-bara kung kumilos. Thank you for saving me again. But this is where we part. Nice meeting you----” anang dalaga na naputol ang sasabihin.
“Saan ka pupunta ngayon?” tanong nang binata. Hindi naman agad sumagot ang dalaga. Iyon din ang tanong niya sa sarili niya. Saan siya pupunta? Hindi niya rin alam.
“Come with me.” Wika nang binata saka hinawakan ang kamay nang dalaga kaya lang sabay silang nabigla nang tila may malakas na pwersa ang bumalot sa kamay nila dahilan para kapwa sila mapaigtas agad na nabitiwan ni Achellion ang kamay nang dalaga dahil sa nangyari saka napatingin dito.
“What was that?” Tanong ni Achellion kay Ashmaria. Hindi naman sumagot ang dalaga dahil hindi rin niya alam ang dahilan nang reaksyon na iyon.
Isang mahinang tawa ang lumabas sa bibig ni Achellion nang biglang tumunog ang tiyan nang dalaga na dahilan para mabasag ang katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa.
“Hindi ka pa ba kumakain?” Tanong ni Achellion sa dalaga. Napahawak naman ang dalaga sa tiyan niya. Naalala niyang simula nang umalis siya sa bahay nila hindi pa siya nakakakain kaya hindi nakakapagtakang kumalam ang sikmura niya kaya naman nakakahiyang sa harap pa nang Binatang ito tumunog ang tiyan niya.
“Tatanggihan mo pa ba ako kung yayayain kitang kumain?” tanong nang binata. Napatingin naman si Ashmaria sa binata. Dapat ba siyang magtiwala sa Binatang ito? Pero kung paiiralin niya ang pride niya ngayon baka matulog siyang dilat at gutom.
“Wala ka rin namang mapupuntahan. Sumama kana sa akin. Alam mo ayoko rin namang gawin ‘to kaya lang----”
“Ba’t ang dami mong sinasabi? Gusto mo ba akong tulungan? O hindi.” Agaw ni Ashmaria sa sasabihin ni Achellion.
“Ikaw lang ang nakilala kung nangangailangan nang tulong na nagtatapang-tapangan.” Natatawang wika ni Achellion. “Tayo na.” wika ni Achellion saka nagpatiunang maglakad. Napakagat labi naman si Ashmaria saka sumunod sa binata. Wala siyang pagpipilian wala siyang alam sa kung saan siya pwedeng pumunta at mukhang hindi naman masama ang Binatang ito kahit na tila bara-bara itong kumilos.
Dinala siya nang binata sa isang restaurant para kumain. Sabi nito, kailangan nitong bumalik sa headquarters dahil kailangan nitong mag report. Sinabi din nang binata sa kanya na dadalhin siya nito sa bahay nito. Kaya habang hindi pa siya tapos magtrabaho wala siyang ibang magawa kundi ang sumama sa binata.
Umaktong Super Hero kana naman. Anong akala mo sa sarili mo? Ang bayani nang taon. I specifically instructed the SWAT team to wait for my instruction. Dapat hinintay mo ang utos ko bago ka gumawa nang ano manghakba.” Galit na wika nang isang lalaki kay Achellion nang nag-uusap sila sa isang silid. Nasa opisina siya noon nang Heneral. Ang Heneral na kausap ni Achellion ay ang kanyang Ama at kasama sa silid na iyon ay ang tatlong Binatang nakasuot din nang uniporme. Pamilya sila nang mga sundalo simula pa sa lolo niya hanggang sa kanya at mukhang ang magiging sunod na henerasyon nang pamilya nila ay magiging miyembro din nang armed forces.
Ang kanyang Kuya Luis na isang Major at ang siyang Leader nang SWAT team sa operasyon noon nakaraan at ang sinundan niya. Naroon din sa loob ang panganay nila na si Rafael, isang Senior Superintendent at ang pangalawa na si Antonio isang Superintendent.
Sa kanilang apat na magkakapatid siya din ang itunuturing black sheep. At the age of 20, humiwalay na siya sa pamilya niya at namuhay mag-isa. Hindi naman siya pinigilan nang ama nila. Ni hindi siya narinig nang masamang Salita mula ditto. Maliban sa mga kuya niya. Na hanggang ngayon, Siya pa rin ang sinisisi sa pagkamatay nang kanilang ina.
“General, hindi ako makakapayag sa pagiging isang irresponsible nang isang alagad nang batas. Hindi magandang ihemplo para sa mga bagong miyembro nang armed forces. At para ipakitang wala kayong kinikilingan. I would suggest for him to get suspended.” Wika nang kanyang kuya Luis. Napatingin naman ang mga kuya niya sa kanilang ama. Hindi na niya ipinagtataka ang bagay na iyon. Hindi naman sila magkasundo na magkakapatid.
“Ganoon din ang mungkahe ko.” Wika naman ni Rafael. “Kahit na anak niyo siya. Ipakita niyo pa ring isa kayong heneral na walang kinikilingan.”
“Ang isang suwail na gaya niya ay hindi lang sinuspende, mas mabuting alisin sa pwersa.” Wika ni Antonio.
“Figures.” Biglang wika ni Achellion.
“Anong sabi mo?!” inis na wika ni Luis saka napatingin sa binata maging ang ibang kuya niya ay napatingin din sa kanya.
“With all due respect, General. Kung hindi ko ginawa ang ginawa ko Kanina. Hindi lang ang security guard ang nasawi. Kung hindi ko man sinunod ang utos mo. Iyon ay hindi dahil gusto kitang suwayin.” Wika ni Achellion sa kanyang Ama. Alam niyang ginawa niya ang tama at hindi siya mag dadalawang isip na sabihin iyon.
“Para sa akin, ang isang alagad nang batas kumikilos para sa kaligtasan nang marami hindi lang sundin ang utos na maghintay. If I am to be suspended, I would gladly accept it.” Wika pa ni Achellion.
“Masyado kang mayabang!” Anas ni Antonio. “Kung hindi kita kapatid baka ako ang lumumpo sa iyo.” Wika ni Antonio.
“Bakit hindi natin kalimutan na magkapatid tayo. Set aside our blood ang uniform I can face you as a man bare handed.” Wika ni Achellion.
“Aba’t ang tabas nang dila mo. Ito ba ang natutunan mo sa kalye simula nang umalis ka sa poder ni papa, 10 years ago.” Galit na wika ni Rafael.
“Kayo ang nagturo sa akin nito. Being hated by the so called family.” Wika ni Achellion na nagkuyom nang kamao.
“Aba talagang--.” Wika ni Luis saka lumapit kay Achellion at hinawakan ang kuwelyo nang damit nito saka akmang susuntukin.
“Shut it! Both of you!” Malakas na wika nang kanilang ama. Biglang naman natigilan si Luis at binitiwan si Achellion. “Magkakapatid kayo pero wala na kayong ginawa kundi ang magbangayan. Kulang nalang magpatayan ako. Walang ni isa man sa inyo ang gustong magpakumbaba.” Wika pa nang papa nila.
“Pasensya na kayo sa naging asal ko. General. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko sa harap nang walang galang na lalaking ito.” Wika ni Luis. “Kung sumagot siya sa amin parang hindi kami nakakatanda sa kanya. Ito ang natutunan mo sa labas simula nang umalis ka sa poder ni Papa.”
“Minsan lang tayo magkita-kita. Ito pa ang nagiging dahilan. We never meet or sit down on a dinner table as family. Ganito na ba ka wasak ang pamilyang ito. Gusto niyo na ba talagang patayin na ako sa sama nang loob.” Wika nang matanda.
“Hindi ganoon yun papa.” Wika ni Rafael. “We just can’t stand the presence of this insolent fool.” Dagdag pa nito saka bumaling kay Achellion.
“Capt. Do you still have anything to say to defend yourself?” wika ni General Guillermo saka tumingin sa binata. “The majority in this room agrees for you to be suspended.”
“I have nothing more to say. Sir.” Wika Achellion.
“Very well. I will give my final decision sa hepi mo. You may leave.” Wika nang matanda.
“Thank you sir.” Wika ni Achellion saka sumaludo.
“Carry on!” wika nito. Nang ibaba ni Achellion ang kamay niya. Saka naman siya lumabas nang silid. Dati pa naman niyang alam na wala naman talaga siyang kakampi sa pamilya nila.