Justin's POV Nakapag desesyon na ako. Ito na ang araw na sasagotin ko ang taong alam kong MAHAL ko talaga. Ang taong alam kong hindi ako kayang saktan, ang taong tanging ginawa ay mahalin ako. Si JM. Oo, si JM. Sa simula palang, siya na naman talaga ang mahal ko eh. Nagulo lang ang lahat ng sumolpot si JP sa buhay naming dalawa. Ginulo niya ang samahan naming dalawa ni JM, ang nararamdaman ko, ang lahat lahat. "JM? Usap tayo mamaya? Kita nalang tayo sa likod ng school, ok?" Gusto ko sanang sagotin siya sa lugar kung saan din siya nagtapat sa akin. Kung nagsimula ang lahat. Noong una ay nagtaka siya kung bakit bigla bigla ko siyang gustong makausap pero pagkalaon ay napapayag ko na siya. Ngayon naman ay may isa pa akong dapat na kausapin. Si JP. Si JP ay naging par

