Justin's Outlook Tahimik lang kaming apat habang nakaupo dito sa canteen. Nagpapakiramdaman habang malalalim na puntong hininga ang aming mga ginagawa. I don't know what just happened pero pakiramdam ko eh ang sama sama ko. Nakikita ko palang ang mukha ni JM ngayon na halos hindi na maipinta. Yung dating mukha niya na punong puno ng tawa at kalukuhan, ngayon ay subrang lungkot. God! Bakit ang sakit? Oo alam kong mahal ko si JP. Pero pakiramdam ko, mas matimbang ngayon si JM. Sa simula palang, siya naman na talaga ang dating laman ng puso ko eh. Dumating lang si JP at nag kagulo gulo na ang lahat. "Ito Justin oh, kainin mo. Masarap yan!" Ang sabi ni JP habang nilalagyan ng hotdog ang plato ko. Ngumiti lang ako sa kanya saka tumango. "Salamat!" Tumango lang din

