Justin's Outlook Tahimik lang ako, si JP at si JM habang nag lalakad papuntang classroom. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang kadahilanan. Siguro ay dahil nadin sa mga tinginan ng mga schoolmates namin na parang kinikilig na iwan. Siguro ay nagulat lang sila na magkakasabay pa kaming maglakad ngayon. Eh nong dati nga ay halos hindi kami nagpapansinan. Pero wala naman talaga akong pake sa kong ano man ang sasabihin nila tungkol sa akin o sa amin. Ang ininatatakot ko lang ay baka kong anong mangyare sa dalawang katabi ko. Lalong lalo na si JP. Kanina kasing pagakadating namin sa gate ni JM ay wala siyang naging reaksiyon. Niyaya niya nalang akong sumabay sa kanyang mag lakad ganon din si JM. Pero ramdam ko ang galit, inis at iba pang pakiramdam sa bawat tingin na ibinaba

