Justin's Outlook Kinabukasan ay nagising akong maganda ang pakiramdam. Sobra kasing lakas noong impact ng mga sinabe sa akin ni kuya Josh kahapon. Pakiramdam ko eh kahit na anong gawin ko ay susuportahan niya talaga ako. Napakabait padin talaga ng diyos dahil binigyan niya ako ng ganuong kapatid. Tulog pa si kuya ng magising ako kaya pagkatapos kong gawin ang routines ko ay nag luto muna ako ng agahan para sa kanya. Hindi ko na siya ginising dahil alam ko naman na kahit anong gawin ko ay hindi magigising ang isang Josh Xavier. Eh tulog mantika iyon eh. Haha Nag iwan nalang ako ng note sa tabe ng pagkain na nag sasabing nauna na akong pumasok. Paglabas ko ng pinto ay nagulat ako ng may nakita akong sasakyan sa tapat ng apartment ko. Pilit kong inaninag ang tao doon pero hin

