Katulad ng inaasahan na mangyayari nina Sir Lennox ay hindi umalis ang grupo nina Sir Gene sa harapan ng tarangkahan. Nanatili sila roon sa pagnanais na makausap at makumbinsi si Leya na tumulong sa pagliligtas sa kanilang emperor. Kaya dahil sa pagmamatigas ng mga ito ay mas hinigpitan ni Sir Lennox ang pagbabantay sa harapan ng tarangkahan. Hindi niya gugustuhin na makaharap pa ng mga kawal na iyon si Leya pagkatapos na rin ng ginawa nila kahapon. Aaminin ni Sir Lennox nang una niya malaman ang tungkol sa malaking kaguluhan na nagaganap sa palasyo ay naisip niya na kapag maayos na si Leya ay kakausapin niya ito ng personal. Nais niya na kumbinsihin ang unang prinsesa na tumulong sa pakikipaglaban sa mga demonyo. Sa ganoon ay matapos na ang kaguluhan at bumalik sa dating pamumuhay ang

