Nang makita ko ang espesyal na uniporme na suot ng sugatang kawal ay natuklasan ko na siya ang mismong pinunong kawal na naglilingkod sa emperor. Aaminin ko nang oras na malaman ko iyon ay nagdalawang isip ako na gamutin siya. Lalo pa na pinakaayaw ko na mangyari ay magkaroon ng anumang koneksyon kay Emperor Hadrian. Iyon ay dahil sa mga masalimuot na nangyari sa aking buhay kaya sobrang kinasusuklaman ko ang emperor. Hindi ko nga alam kung kakayanin ko pa ba siya na mapatawad. Napakalaking sugat ang inihandog niya sa aking pagkatao. At tila hindi magiging ganoong kadali na kalimutan ko na lang ang lahat na iyon. Ngunit sa sandali na makita ko ang nag-aagaw buhay na anyo ng pinunong kawal ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkahabag para sa kanyang kalagayan. Kaya sa huli ay napili

