Sa malakas na pagtawag ni Sir Lennox ay mabilis na naglapitan ang mga manggagamot sa kinaroroonan nila. Nang una ay walang ideya ang mga manggagamot sa dahilan ng pagpapatawag sa kanila ng dating kawal. Ngunit nang makita nila ang pamilyar na bughaw na uniporme na siyang suot ng bagong grupo ng mga dayo ay biglang kinakabahan na napatingin sila sa direksyon ng count. Malayo man ang bayan nila sa kapital ay alam na alam pa rin nila na uniporme ito. Ito lang naman ang kasuotan ng mga kawal na siyang naglilingkod sa palasyo. Dahil sa mga hindi inaasahan na bisita ay ilang ulit na napalunok tuloy sila ng kanilang mga laway. Dumagdag pa sa kanilang kaba nang maalala na nasa paligid lamang si Leya. Sa isip pa nila ay hindi makakabuti kung makakaharap ng mga ito ang unang prinsesa. Na dapa

