"Sir Lenox?!" Malakas na umalingawngaw ang magkakasabay na paghiyaw ng mga mersenaryo pati na rin ng mga miyembro ng kanyang pangkat. Hindi sila makapaniwala na walang pag-aalinlangan na inangkin ni Lenox ang lahat ng pagkilala bilang siyang tumalo sa demonyo. Lalo pa na alam na alam nila kung sino ba ang totoong tumalo rito. Walang iba kundi si Binibining Leya. Siya ang dapat na tumanggap ng anumang pagkilala at gatimpala mula sa palasyo. Kaso wala sa oras na ito ang binibini sa tarangkahan na siyang labis na nakakapagtaka. Iyon ang tingin nilang dahilan kaya naglakas loob si Lenox na angkinin ang pagkilala sa pagtalo sa demonyo. "Eh?! S-Sir Lenox, a-ano ang ibig sabihin nito?" kinakabahang tanong pa ng miyembro ng kanyang pangkat, "A-Ano ba ang pinagsasabi niyo sa harapan ng pa

