Princess 65

2238 Words

Mga tatlong araw na rin ang lumipas magmula na matalo ko ang demonyo na si Noir. At tandang tanda ko pa rin sa aking isipan ang bawat detalye ng aming labanan. Tila nga isang panaginip lang na hanggang ngayon ay buhay pa ako. Kung iisipin kasi ay tila isang milagro na nagawa kong talunin siya. Lalo pa na wala akong espesyal na kakayahan katulad ng mga Suzdal. Kaso nga lang dahil sa tindi ng aming naging labanan ay nanlalambot ngayon ang aking buong katawan. Kaya nitong mga nakaraang araw ay mas pinili ko muna na humilata sa aking kama para bumawi ng aking lakas. Nakakahiya man ito ay hindi naman ako sinuway nina Aling Ester at Mang Almiro. Sa halip ay pinayuhan nila ako na magpahinga kahit isang buwan. Wala sa sariling itinapat ko pa sa liwanag ang naiwang lamia ng matalo ko si Noir.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD