Naalimpungatan na lang ako nang maramdaman ang biglang panginginit ng aking bulsa. Kaya inaantok na kinusot ko ang aking mga mata bago umalis mula sa pagkakasandal sa kanang balikat ni Sir Aziel. Dahil naman sa pagkilos ko na iyon ay maalertong nagising din si Sir Aziel saka inilibot ang tingin sa aming paligig. Nang malaman niya na walang kalaban ay bahagyang kumalma na siya. Pagkatapos ay inaantok na nilingon niya ako sa kanyang tabi. "Bakit binibini?" takang tanong pa niya, "Giniginaw ka ba? Nilalamok? O nagugutom?" maasikasong pagtatanong pa niya sa akin. "Ah hindi naman..." pagtanggi ko saka umayos ng pagkakaupo sa kanyang tabi. "Kung ganoon ay bumalik ka muna sa iyong pagtulog. Gigisingin na lang kita kapag dumating sila," pagyaya niya muli at sinubukan na isandal ako sa kanyang

