"Arrrgh!" malakas na paghiyaw ni Prinsesa Aubriella mula sa matinding galit na nararamdaman at nagsimulang magbato ng mga gamit na mahahawakan ng kanyang mga kamay. Ito ang naging tagpo sa loob ng kanyang kwarto nang magising mula sa ginawang pagpapatulog sa kanya ni Binibining Leya. *craaasssshhhh* *blaaaagg* "Hindi pwede ito! Hindi maaari! Aaaaaahhh!" muling paghiyaw pa niya at muling nagbato ng mga kagamitan. Pagkatapos ng ilang oras na kanyang pagwawala ay pagod na pagod na napasabunot pa siya sa kanyang buhok. Para siyang baliw sa kanyang ginagawa na iyon. Hindi niya kasi lubos na matanggap na ganoong kadali lamang siya nalapitan at napatulog ni Binibining Leya. Na para bang nakikipaglaro lang ito ng patintero sa isang bata na kapag nataya ay talo na. "P-Prinsesa, h-huminahon

