Nang magising si Prinsesa Aubriella mula sa kanyang mahimbing na tulog ay agaran na hinagilap niya sa loob ng kanyang kwarto si Aziel. Ilang gabi na rin ang lumipas na sinusubukan niya ayain ito na sipingin siya sa kanyang kama. Ngunit siyempre walang kaabog abog na tinanggihan ng binata ang kanyang alok. Buong magdamag na tumatayo lang ito sa harapan ng kanyang pintuan na akala mo isang gwardiya. At katulad ngayon, inaasahan niya na magigising siya na wala na ang binata sa loob ng kanyang kwarto. Walang pagdadalawang isip na iniiwan siya ng kanyang bantay sa gitna ng kanyang pagtulog. Dahil doon ay malakas na napabuntong hininga na lang siya. Inaasahan pa naman niya na madali lang niya makukuha ang puso ng binata katulad ng ibang binata na nagtutungo sa kanyang palasyo at nagnanais na

