"Ikaw..." gigil na gigil na sambit ni Prinsesa Aubriella bago napakahigpit na hinawakan ang aking braso. Nagtatakang tinuro ko naman ang aking sarili. "Anong ako po, prinsesa?" maang-maangan ko namang sagot sa kanya, "Eh? Kilala niyo po ba ako?" Dahil sa inosenteng sagot ko na iyon ay lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso. Ramdam na ramdam ko roon ang tumitinding galit ni Prinsesa Aubriella. Kulang na lang yata ay baliin niya ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. "Hindi ako maaaring magkamali... Ikaw ang babaeng iyon," pagkumpirma pa niya, "Ikaw ang babae sa plaza na nakita ko noon... Ikaw iyon di ba?" Dahil sa sinambit niya sa pangyayari na iyon ay seryosong inangat ko ang aking tingin. Walang katakot takot na hinarap ang matalim na tingin ng siyang binibigay sa akin

