Princess 85

1960 Words

"Kikkkkkkkk!" "Kreeeeeeeaaaakkk!" "Graaaaaaaahhh!" Sumambulat ang sabay sabay at nakakarinding ingay sa buong kapaligiran ng bayan. Kaya mga nasasaktan na napatakip ng kanilang mga tenga ang bawat tagabayan. Sa sobrang tinis kasi ng ingay na iyon ay nanunuot ito sa kanilang mga ulo at kulang na lang mabasag ang kanilang mga tenga. May ilan pa nga na nahilo at hindi nakayanan ang matinis na ingay kaya hinimatay sila sa kanilang kinatatayuan. "Iiiiiiiikkkkkkkkk!" "Graaaaaaaaaaaaaaahhh!" Habang tumatagal ay palakas ng palakas ang ingay na iyon. Kaya kaunti na lang pati sina Sir Lenox at Raig ay bibigay na. Ngayon ay mga nahihirapang nakaluhod sila sa kalupaan habang mariing tinatakpan ang kanilang mga tenga. "Urrrrghhh!" "Arrghhh!" Namilipit na ang iba habang nakahiga sa kalupaan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD