Labis ang pagkagulat ko sa tinuran na iyon ng mga kawal. Na nais lang naman ng pangalawang prinsesa na maging asawa niya si Sir Aziel. Anong kalokohan ito? Talagang bang nanadya si Prinsesa Aubriella? Pati ba naman si Sir Aziel ay balak niyang agawin mula sa akin? Hindi pa ba siya masaya na naagaw niya ang pagkilala ng emperor at pagiging tagapagmana ng trono? Ngayon naman pati ang binatang iniibig ko ay balak niya kuhanin mula sa akin? Sa aking narinig ay napahigpit ang pagkapit ko sa kamay ni Sir Aziel. Isang pagkapit para iparamdam na wala akong balak na ipamigay siya kahit si Prinsesa Aubriella pa ang makalaban ko. Naramdaman ko naman ang pabalik na pagpisil ni Sir Aziel sa aking kamah. Para bang pinakakalma niya ako. Na hindi magtatagumpay ang pangalawang prinsesa na maging asaw

