Sampung taon na nakakaraan... "Ella! Nasaan ka lintik na bata ka!" galit na galit na paghiyaw ni Aling Tessie, ang tagapamahala ng bahay ampunan. Nang marinig pa lang ng batang Ella ang pag-alingawngaw ng galit na galit na boses na iyon ay agaran siyang sumuot sa ilalim ng kanyang higaan para magtago. Pagkatapos ay inilapas niya ang matigas na tinapay na siyang ninakaw pa niya sa kusina saka mabilis na kinain ito. Tatlong araw na rin kasi ng huli siya nakakain kaya talagang ramdam na ramdam niya ang matinding pagkalam ng kanyang sikmura. Dahil sa dami-dami kasi ng mga batang katulad niya na dinadala sa bahay-ampunan ay hindi ito sapat para punan ang lahat ng pangangailangan nila. Kaya hindi ito ang unang beses na maisilan niya na magnakaw ng pagkain na siyang piangdadamot ni Aling Tessi

