Magmula na kilalanin si Ella na pangalawang prinsesa ng buong emporyo ay unti unti nabago ang dating niyang pamumuhay. Kung dati ay kumakalam ang tiyan niya ay napunan na ito ngayon ng marami at masasarap na pagkain. Hindi niya na nga rin niya kailangan pa magpakahirap na magtrabaho o manlimos sa labas para lang may pangkain siya. Ang dati niya ring marumi at sirang sirang mga lumang kasuotan ay napalitan bigla ng mga mamahalin at mga bagong bestida. Halos hindi na nga siya makapili ngayon ng kanyang susuotin mula sa dami ng mga estilo at iba't ibang kulay ng mga ito. Idagdag pa sa mga ito ang pares ng mga kumikintab na alahas na siyang niregalo sa kanya ng emperor bilang patunay ng kanyang kagalakan sa pagdating niya sa palasyo na iyon. Aaminin niya na hindi niya alam ang magiging re

