Sa pag-ikot ng itim na usok na iyon kay Prinsesa Aubriella ay natatakot na sinubukan niyang lumayo rito. Pero bago pa siya makahakbang ng isa ay nagsimula ito na pumasok sa kanyang bibig, ilong at tenga. "Ack!" Ramdam niya ang pagpasok ng mga itim na usok na mga iyon sa lahat ng butas ng kanyang katawan. Kaya bahihirapang napahawak pa siya sa kanyang leeg dahil ang usok na rin iyon ay para bang bumara sa daan ng kanyang hininga. "Ack! Arrrrgh!" Sinubukan pa nga niya na labanan ang anumang usok na iyon kaso lalo lamang kumakapal ang usok na nilalabas ng batong iyon at siyang pumapasok sa kanyang katawan. Hanggang sa nagsimula na manghina ang kanyang mga katawan at hindi nagtagal ay malakas na napaluhod siya sa sahig habang namilipit doon sa sakit. "T-Tulong... A-Ack!" nanginginig na p

