Labis ang kaba nina Master Hassan habang patungo sila sa kinaroroonan ng demonyong si Noya. Tanging ang grupo lamang nila ang walang taong nabigyan ng basbas ni Leya. Kaya isang maling galaw lamang nila ay maaaring maubos ang kanilang pangkat. Kaya kailangan nila mag-ingat at iwasan na harapin sa labanan ang demonyong iyon. At hindi na nga nagtagal ay natanaw na nila ang demonyong si Noya. Mag-isang nakaaabang lamang ito sa pagdating nila. Katulad pa ng nabasa nilang ulat ni Kareem ay may anyo ito na isang shokoy. Punong puno ang katawan nito ng kaliskis na parang isang isda. Ang kamay at paa naman nito ay maihahantulad din sa kamay at paa ng isang palaka. Ibig sabihin ay malakas ang kapangyarihan niya kapag nasa tubig siya. Ang problema ay walang makikitang kahit anong ilog o lawa sa pa

