Sa nagdaan na mga araw ay tahimik na nagmamasid lang ako sa loob ng mansyon ng count. Sa ganoon ay mababantayan ko ng malapitan ang mga kilos niya at malaman na rin ang susunod na masasamang balak ni Prinsesa Aubriella laban kay Count Bardoz. Maswerte ako dahil hindi pa rin nagsususpetya si Prinsesa Aubriella sa identidad ko na nakahalo sa mga tagasilbi na naglilingkod sa kanya. Pilit ko kasi iniiwasan na makatagpo ang tingin niya anumang mangyari. Dahil kapag nagtagpo ang aming mata ay alam ko na maalala niya ako bilang ang taong nagkatitigan niya nitong nakaraan mula sa malayo. Iyon nga lang dahil sa pag-iwas ko na iyon sa pangalawang prinsesa ay limitado lamang ang pagkakataon na makalapit ako sa kanya. Idagdag pa na madalas din magkulong si Prinsesa Aubriella sa loob ng kanyang kwart

