Abot tenga ang ngiti sa labi ni Prinsesa Aubriella habang pinagmamasdan niya ang binatang mersenaryo na nagbabantay sa kanya ngayon. Isang linggo na rin magmula na ipadala ang binata ng count sa kanya. Pakiramdam niya ay nagtagumpay siya sa plano na makuha ang binata pinagkakainteresan niya. Sabagay, siya lang naman ang kinikilalang prinsesa ng buong emporyo kaya walang anumang bagay na hindi niya maaaring makuha. Kasama na roon siyempre ang binatang si Aziel. Iyon nga lang anumang pagsubok niya na kausapin ang binata ay kapansin pansin na iniiwasan siya nito na akala mo may nakakahawang sakit. At kung mapipilit naman niya ito magsalita ay malamig na pakitungo o pasinghal na pagsagot ang matatanggap niya mula sa kanya. Kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit nagkakaroon ngayon ng tensy

