Princess 75

1686 Words

Nang makalayo kami sa ibang tao na naroroon ay muling hinarap ako ni Count Bardoz para maipagpatuloy ang aming naudlot na pag-uusap. At katulad ng naging reaksyon niya kanina ay mahahalata ang labis na pagkalito sa mukha ng count dahil na rin sa nais ko na ipagawa sa kanya. Iyon ay ang maglagay ng ibang bantay kay Prinsesa Aubriella bukod kay Sir Aziel. "Ah... B-Binibini... T-Tama ba ang narinig ko kanina?" nagtatakang pagkumpirma pa niya, "N-Nais mong alisin ko bilang bantay ng pangalawang prinsesa si Aziel?" Tumango ako bago mahigpit na hinawakan ang manggas ng kanyang damit na tila ba doon nakasalaylay ang buong buhay ko. Hindi ko kasi maiwasang makaramdam ng matinding takot ko na baka maagaw din ni Prinsesa Aubriella si Sir Aziel mula sa akin. Ilang taon na ang nakalipas pero sariw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD