Pagkalipas ng isang linggo... Pagod na pagod na pinunasan ko ang mga butil ng pawis na tumatagatak ngayon sa aking mukha at leeg. Ramdam na ramdam ko rin ang panunuot ng init ng araw sa aking balat. Pero wala problema sa akin ito. Dahil matagal na ako sanay na magtrabaho sa ganitong klase na initan. "Hoo..." hingal na bulalas ko pa at bahagya na pinaypayan ang sarili. Mga ilang araw na rin pala magmula nang maisipan ko na bumalik sa pagtra-trabaho sa taniman. Nang una ay siyempre umangal sina Aling Ester at Mang Almiro sa plano ko na ito. Kaso nakita nila sa mga nagdaan na mga araw ay hindi ko na talaga kayang pumirmi lang sa kanilang bahay na wala masyadong ginagawa. Nalinis ko na yata ang lahat ng alikabok at sulok ng bahay nila. Sobrang napakintab ko na rin ang sahig at kubeta ng

