Hindi maipinta ang mukha ni Sir Paulo pagkatapos biglaang maglaho ni Norfa sa kanyang harapan. Dahil doon ay nanghihina na napaluhod siya bago buong paghihinayang na napasuntok sa lupa. Dahil nawala lang naman ang pinaka-iintay niyang oportunidad para mapili bilang kauna-unahang kawal ni Leya. "H-Hindi maaari... B-Bumalik ka rito... Hindi pa tayo tapos..." nanlulumo na komento pa ni Sir Paulo mula sa kawalan ng pag-asa na bumalik pa ang kanyang kalaban na demonyo, "Aaaah... Paano na ito?! Ako dapat ang magwawagi!" Sa kinalabasan naman ng laban na iyon ni Sir Paulo ay nagsimulang maalerto ang iba pang pinunong kawal. Ayaw kasi nila na matulad sa nangyari sa kanya. Kaya hinding hindi nila mahahayaan na makatakas din ang mga kalaban nilang demonyo. Tila naramdaman naman ng mga naiwang d

