Pagkatapos ng matagal na pagkakahimbing ni Emperor Hadrian ay naalimpungatan siya nang malakas na bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan niya. 'Urrggh!' pag-ungol pa niya bago sinubukan na imulat ang mga mata at igalaw ang kanyang katawan. Ngunit napangiwi siya nang maramdaman ang matinding sakit na nanunuot sa kanyang bawat kalamnan. Pakiramdam pa nga niya ay tila sinusunog siya ngayon ng buhay. At anong gawin niya na pagkilos ay hindi sumusunod sa nais niya ang kanyang katawan. Para bang nakadikit ito ngayon sa kanyang hinihigaan. 'Ano ba ang nangyari sa akin? Bakit hindi ko maikilos ang katawan ko?' nalilitong tanong pa ng emperor sa isipan niya. Doon ay pilit na inaalala niya ang posibleng dahilan para magkaganoon siya. Kung bakit hindi niya magawang mapasunod man lang sa nais

