Gael's POV The first time I met her is when I was 13 years old, natatandaan ko pa nuon kung gaano ako naiinis dahil sa impit na iyak niya. Nakatambay ako nuon sa taas ng puno at nasa ilalim naman siya halos dalawang linggo na siyang pabalik balik duon at panay lamang ang iyak bago magpasyang umalis. Sa dalawang linggo na iyon ni hindi niya napapansin na nasa itaas ako ng puno at naka tambay habang siya ay umiiyak. Hindi ko nuon nakikita ang mukha niya dahil nasa taas ako ang nakikita ko lamang ay ang tattoo sa pulsuhan niya. Isang beses ay hindi na ako nakatiis at bumaba ako ng puno at hinarap siya. Napaawang ang labi ko ng makita kung gaano siya kaganda kahit namumula ang mata at tungkil ng ilong niya dahil sa pag iyak ay napakaganda niyang tingnan. Pero sa tingin ko nuon ay matanda s

