Hera's POV Mamaya ay pwede na akong makalabas ng ospital pero si alex ay hindi manlang ako nabisita. Napabuntong hininga ako at dahan dahan humiga, wala ngayon si Gael dahil inasikaso ito sandali. Pumikit muna ako sandali para mag pahinga ng marinig ko ang pag bukas ng pintuan. Pag mulat ko ng mata ay nakita ko si alex na papalapit saakin. "Mom." "Alex, ayos ka lang ba ?? " Malungkot lamang siyang tumingin saakin nakikita sa mukha niya ang pagod at stress. "I'm sorry mom, sorry." Paulit ulit niyang saad. Nakaupo ito malapit sa higaan ko habang hawak ang kamay ko. Pinahid ko ang pumatak na luha sa kaniyang pisngi, alam kong iniisip niya na naman na kasalanan niya ang lahat. Umiling ako at ngumiti sakaniya. "Wala kang sakalanan alex, please stob blaming yourself." "No mom kasalana

