Nang hindi ako makareceive ng reply mula kay Ninong Dawson ay nagdecide akong magshopping na lang.Total maaga pa naman, 2pm pa lang ng hapon. Baka dumugo ang mata ko kakaantay na masundo niya. "586,800 po, Ma'am. Cash o card?" "Card." Inabot ko rito ang black card na bigay sa akin ni Ninong Dawson. Kita ko ang gulat sa mukha ng sales lady nang makita ito pero agad niya rin namang tinanggap at iniswipe bago muling binalik sa akin ang card. "T-Thank you po, Ma'am. Come back again." Lumabas na ako ng shop matapos makuwa ang mga pinamili ko. It's nothing much, just a few bikini and revealing dress since summer na kaylangan ko ng bagong susuotin. Plano ko sanang magtungo sa make up shop na katabe lang ng shop kung saan ako nanggaling nang magring ang phone ko. Ninong Dawson is calling...

