Prologue
Pitong taong gulang palang ako ng pumanaw ang mga magulang ko dahil sa isang sunog sa farm namin, maraming namatay sa sunog na iyon. Pati ang business ng pamilya ko at ari-arian namin ay nauwi sa abo dahilan para mamana ko ang utang ng pamilya ko.
Dahil dito ay nino man sa mga kamag-anak namin ay walang gustong umampon sa akin. Siguro blessing na rin na walang gustong kumupkop sa akin noon dahil ito ang naging daan para makasama ko sila Kuya Dean at Ninong Dawson at maging parte ng Mercadejas.
"Mommy... hik! Daddy, huhu."
Mugto ang mga matang naupo ako sa gilid habang pinagmamasdan ang mga kabao ng aking mga magulang. Kanina pa silang nakahiga sa kama na 'yon.
Masyado pa akong bata para maintindihan ang mga pangyayari noon pero alam kong ito na ang huling beses na makikita ko ang mga magulang ko.
"Meriguel," nag-aalala na tawag sa akin ni Kuya Dean nang makapasok sa loob ng mansyon namin. "Meriguel?!"
"K-Kuya Dean," iyak kong tawag rito.
Sinalubong niya 'ko ng isang mahigpit na yakap. "I heard what happened. Are you alright, Meri? Please don't cry. Your Kuya Dean is here, so don't worry."
Si Kuya Dean ang nag-iisang anak ng malapit na kaibigan ni Daddy na si Ninong Dawson at kuya-kuyahan ko na rin dahil mas matanda siya sa akin ng 7 years. High school na siya habang ako naman ay nasa elementary pa lang.
"K-Kuya Dean. B-Bakit hindi pa bumabangon sila Mommy at Daddy ko?" inosente kong tanong dito. "B-Bakit sabi nila hindi ko na raw makakasama pa sila Mommy at Daddy? I-Is that true?"
Muling namuo ang luha sa mga mata ko. Masakit na ang mata ko sa pag-iyak pero ayaw pa ring tumigil.
Naiinis ako sa sarili ko dahil ayaw na ayaw pa naman ni Daddy na umiiyak ako. Sabi niya hindi raw big girl ang iyakin. Lagi niya akong pinapatahan sa tuwing umiiyak pero ngayon hindi na iyon magagawa pa ni Daddy... dahil wala na siya. Wala na sila Daddy at Mommy ko...
Naawa naman akong tinignan ni Kuya Dean. "M-Meriguel. I'm always here. Hinding hindi kita iiwan, okay? Dad and I are always there for you, Meri."
"S-Sabi nila ipapadala raw ako sa bahay ampunan. I-Is that true, Kuya Dean? A-Am I going to be an orphan now?"
"No! You're not! Hindi ko hahayaan na gawin nila 'yon sa 'yo," mahigpit akong niyakap ni Kuya Dean. "Hindi ko hahayaang ipadala ka nila sa orphanage, Meriguel. I will beg my father para lang hindi ka ipadala sa ampunan."
"T-Talaga, Kuya Dean?"
"Yes. Promise ko 'yan sayo, Meriguel."
Kahit papaano ay kumalma ako. Napakabait talaga ni Kuya Dean. Nakipag-pinky promise pa ito sa akin na hindi niya ako iiwan kahit anong mangyari na ikina-panatag ng loob ko.
Napahinto kami sa pag-uusap ni Kuya Dean ng lapitan kami ng isang pamilyar na bulto. Si Ninong Dawson. Agad akong nagtago sa likuran ni Kuya Dean.
Nakakatakot talaga ang Daddy niya. Wala naman itong ginagawang masama sa akin pero nakakatakot ang presensya niya, napakalaki niya kasi. Parang isang hawi lang sa akin ay lilipad na ako.
Saglit akong tinapunan nito ng tingin bago niya tinignan ang anak.
"Dean, Let's go. Uuwi na tayo."
"D-Dad, hindi ba natin isasama si Meriguel?" tanong rito ni Kuya Dean. "P-Pero wala na siyang pamilya, Dad! Please, isama na natin si Meriguel. Isama na natin siya sa atin."
"No, pumunta lang tayo rito para makiramay, hindi mang-ampon, Dean. Let's go." mariin nitong saad.
"No! Hindi ako uuwi kapag hindi natin isinama si Meriguel!" naiiyak na mas itinago ako ni Kuya Dean sa likod niya, pinoprotektahan. Nakuwa tuloy namin ang atensyon ng ibang mga taong nakikiramay din. "Dad, please. "
"Listen, Dean. Hindi natin siya pwedeng isama. Makakagulo lang siya sa pag-aaral mo. Come on, Let's go to your mother. Huwag ka ng makulit."
"But Meriguel's father is your friend, Dad! Hahayaan mo na lang bang mapunta sa ampunan ang anak ng kaibigan mo, Dad?!"
"Huwag ka ng makulit, Dean—"
"If you don't want Meriguel to stay with us then sasama na lang ako kila Mommy at sa boyfriend niya sa America!"
Natigilan si Ninong Dawson sa sinabe ni Kuya Dean. Saglit itong napahilot sa sintido bago magsalita. "Fine." Bumuntong hininga si Ninong Dawson tyaka ako nilingon. "Pack your things, Meri. You are coming with us."
Dahil sa naging desisyon ni Ninong Dawson tuluyang nagbago ang ihip ng buhay ko. Sa halip na mapunta sa orphanage ay kinupkop ako ni Ninong Dawson para tumira sa kanila. Siya rin ang nagbayad sa mga natitirang utang ng parents ko at hanggang ngayon ay tanaw tanaw ko pa rin iyong bilang isang malaking utang na loob ang lahat.
Hindi ko man lang namalayang 12 years na pala ang lumipas noong ampunin ako ng mga Mercadejas. Masaya akong bumaba ng hagdan dahil first day ko ngayon bilang isang 1st year college student sa edad na 19 years old kaya excited na excited na akong pumasok.
"Good morning po," bati ko kay Kuya Dean na nakaupo na sa hapag kasama niya si Ninong Dawson na tahimik na nagbabasa ng dyaryo at nagkakape.
"Good morning, princess," masayang bati sa akin ni Kuya Dean. Nilapitan ko naman siya para halikan sa pisngi. "Mabuti at maaga kang gumising. Gigisingin pa sana kita. Nga pala, sumabay ka na sa amin ni Dad."
"Sige po."
Sunod akong lumapit kay Ninong at nahihiyang dumukwang para patakan din halikan ng munting halik ang pisngi niya.
"G-Good morning po, Ninong."
"Good morning," tanging sagot niya, nanatili pa rin sa dyaryo ang tingin.
Kahit na ilang taon na akong nasa kanila ay nahihiya pa rin ako rito. Masyado kasing seryoso si Ninong Dawson. Aakalain mong galit sa mundo dahil sa sobrang tahimik at seryoso. Ibang iba kay Kuya Dean na nagmana kay Ninang Jemma na mabait at masayahin.
42 years old pa lang si Ninong Dawson. Batang bata pa kaya aakalain mong magkapatid lang sila ni Kuya Dean na 26 years old na. Maaga kasing nagkaanak si Ninong Dawson sa 1st girlfriend nito na si Ninang Jemma pero hindi rin nagwork ang relasyon nila kaya sila naghiwalay. Ngayon, may ibang pamilya na si Ninang Jemma sa ibang bansa habang si Ninong Dawson naman ay single pa rin hanggang ngayon.
Agad naman akong naupo sa tabi nito, napaggigitnaan nila akong dalawa.
Sinimulan namang lagyan ni Kuya Dean ng pagkain ang plato ko. "I ask the chef to cook your favorite dishes kaya kumain ka ng marame, Princess."
Napangiti ako. "Salamat, Kuya."
Natigilan ako sa akmang pagsubo ng maramdaman ang kamay ni Kuya Dean umakyat sa legs ko, marahan niya itong pinisil. "You're always welcome, Meri."
Napatikhim ako at pasimpleng inalis ang kamay ni Kuya Dean sa legs ko pero madiniinan niya lang ang pag haplos sa legs ko habang nakangisi. Kinabahan akong mahuli kami sa ginagawa nito.
Mukhang hindi naman napansin ni Ninong Dawson ang ginagawang kamanyakan ng kaniyang anak na lalaki dahil hanggang ngayon ay nanatili sa binabasa nitong dyaryo ang atensyon.
Pinilit ko ang sariling kumain kahit nawalan na ako ng gana dahil kay Kuya Dean. Binilisan ko na lang para makaalis ako sa mesa at makalayo rito.
"Tapos ka na agad?" nagtatakang tanong ni Kuya Dean ng tumayo ako para bang hindi nito alam na dahil sa kaniya kaya ako nawalan ng ganang mag almusal.
"Y-Yeah. Maghugas na ako ng kamay."
Nagmamadali kong tinahak ang kitchen. Walang tao roon, marahil ay naglilinis na ang mga maids. Nagpunta ako sa gripo upang simulang maghugas ng kamay.
Habang naghuhugas hindi ko mapigilang murahin si Kuya Dean sa utak ko. Sa tuwing magkasama kami ay kinakabahan ako, kinakabahan na baka mahuli kami ng Daddy niya.
Isa sa mga sikretong itinatago ko ay relasyon namin ni Kuya Dean. Walang ibang nakakaalam nito maski ang Dad niya. Pinilit ko ring labanan ang nararamdaman ko noon pero hindi ko na makaya pa hanggang sa nauwi kami sa isang sekretong relasyon.