Nagpagulong-gulong ako sa kama ko. Weekend ngayon at wala kaming pasok. Buong araw tuloy akong nakatambay lang sa kwarto ko. Hindi ko na rin magawang asarin si Ninong Dawson dahil mukhang hindi nito nagustuhan ang paghalik ko sa kaniya noong bumisita ako sa office niya. Napatigil lang ako sa pagmumuni-muni ng may kumatok. "Come in." "Miss Meriguel," sumilip ang isang maid sa pinto. Mukhang kasing edad ko lang. "Pinapatawag po kayo ng Ninong Dawson niyo sa office niya. May sasabihin raw po siyang importante. Kapag hindi raw po kayo sumunod, ibibitin niya raw kayo patiwarik." Napabangon ako. Ninong Dawson is calling me? For what? Nakakapanibago dahil hindi na ako pinapansin simula ng mangyare ang senaryo sa opisina niya. "What does he want?" "Hindi ko po alam, Miss Meri." "Kung ganon w

