Bumukas ang bintana ng backseat at salubong sa akin ang taong hindi ko inaakalang magsusundo sa akin ngayon. "Get in," utos ni Ninong Dawson. Kahit nagtataka ay ginawa ko ang gusto niya at pumasok sa backseat. Agad kong kinabit ang seatbelt nang magsimulang umandar ang sasakyan. Awkward silent filled the inside of the car as if it was suffocating me. Hindi ko alam kung anong meron at bigla akong akong sinundo ni Ninong Dawson. Dati nagkakasabay lang kami sa iisang sasakyan kapag kasabay namin si Kuya Dean. Dahil malapit kami sa isa't isa ay naamoy ko ang pabangong gamit nito. Ang pabangong ibinigay ko sa kaniya at kay Kuya Dean... Ito rin ang pabangong gamit niya ng gabing 'yon. Napapikit ako ng biglang nagbalik sa alaala ko ang nangyare ng gabing 'yon na magkasama kami. I admit Ninon

