"Are you ready?" tanong ni Asher na nasa opisina ko. Kakatapos lang ng meeting namin tungkol sa pag-alis namin bukas papuntang Lust Paradise. Hindi nga ako gaanong nakapag-focus dahil kasama namin si Paulo sa meeting at natatanaw ko ang bawat tingin niya sa 'kin sa gilid ng mga mata ko. "Oo. Ikaw ba?" "Sakto lang. Sabay na tayong pumuntang airport? Daanan kita sa inyo." Nag-decide kami na mag eroplano na lang papunta roon para mas mabilis ang byahe. Business class ang kinuha naming lahat para sa buong team. Malaki ang budget na nakalaan para sa project kaya dapat ko talagang galingan. "Sige. Kukulitin mo lang ako kapag humindi ako eh." Inirapan ko siya. He chuckled. "Uy hindi ah. Feeling ka." "Okay. Magtrabaho ka na, puro ka kwento." Tumawa ulit siya. "Naayos mo na iyong mga dada

